PRECY Parang farewell party na rin ng aming pamilya dito sa barangay ang nangyari sa handaan kahapon dito sa bahay dahil matapos ang graduation nina Paul at Patrick ay may dumating na isang chopper kaninang umaga at sinundo ang iba pang mga tauhan ni Aryan, pati na rin si Tinay. Naiwan kami dito sa isla dahil kahit malinis na Ang buong paligid at nakapag-ligpit na kami ay mag-iimpake pa ako ng mga gamit na dadalhin namin bukas sa Maynila. “Baby, we had everything at home. Hindi mo na kailangang mapagod para gawin iyan. P’wede kang mag-shopping anytime na gusto mo at bumili ng mga gamit ng mga anak natin,” sabi ni Aryan habang inaayos ko ang paboritong mga damit ng mga anak namin sa malaking bag sa ibabaw ng kama. “Kaunti lang naman ang dadalhin natin. Alam mo naman na paborito ito ng m