PRECY Alam kong kahit tsismoso si Tom ay may tiwala sa kaniya ang asawa ko, kaya siya ginagawang personal bodyguard ng mga anak ko. Nakasama ko na siya noon sa Maynila kaya kilala ko na si Tom. Isa rin siya sa mga bodyguards na kasama ko sa sasakyan noong papunta sana kami sa hospital kung saan naka-confine si daddy at pinag-tangkaan akong ipakidnap ng mag-inang Geneva at Gwyneth pero dahil sa kanila ni Casper ay hindi nagtagumpay ang mga demonyong iyon. Alam kong kahit buhay niya ay handa siyang ibigay para protektahan ang mga anak ko. Mukha lang talagang tsimoso si Tom kahit noon pa man, pero isa siya sa mga tapat na tauhan ni Aryan. Tinalikuran ko sina Tom at Aryan at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng bahay. Minabuti kong maligo na dahil hindi ko ito nagawa kanina kasi magha