PRECY Nagising ako dahil sa narinig kong malakas na katok mula sa labas ng pintuan, kaya napabalikwas ako ng makita ko kung anong oras na. Tulog pa si Aryan. Mahimbing ang tulog niya dahil alam kong pagod siya, gano'n rin ang kambal na balot pa ng makapal na kumot. Malamig kasi talaga ang klima dito sa bundok kapag umaga. Daig pa namin ang may air-condition sa bahay, kaya kapag ganitong oras ay masarap ang tulog naming lahat. Tiningnan ko ang orasan, past six o'clock na pala. Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at maingat itong binuksan. Nakita kong nasa labas naghihintay si Ate Marites at sinabing may mga lalaking dumating daw at naghahanap kay Aryan. “Sino po ang bisita ni Aryan, ate?” nagtatakang tanong ko dahil wala namang ibang nakakaalam na narito siya sa isla. “Mga tauhan daw