PRECY Dalawang chapter ang kailangan kong matapos ngayon, plus editing pa, kaya itinuloy ko agad ang sinusulat ko nang iwan ako ni Aryan para hindi ako magkaroon ng writers block. Mas mahihirapan kasi akong ituloy ang chapter na tinatapos ko kung titigil ako, kaya dapat tuloy-tuloy lang ako sa pagsusulat hanggang sa matapos ito. Kapag ganitong gabi ay mabilis akong magsulat dahil bukod sa tahimik ay mas active ang isip ko, kaya iniiwasan ko ang kahit anong distraction. Bihira ko lang itong gawin dahil mas gusto ko na sa araw ginagawa ang trabaho ko para katabi akong matulog ng kambal pero dahil hindi ako nakapag-sulat kanina, kaya kailangan kong gawin ito ngayong natutulog na sila. Hating-gabi na ako natapos magsulat. Last minute na rin ako nakapag-post ng update, but luckily, nagawa