PRECY “Ma'am, tawagan po muna natin si boss. Magagalit po iyon kapag sinamahan ka naming umalis ng walang paalam sa kaniya,” sabi ni Jerry nang tumayo na ako para sana magbihis. Dahil sa eagerness na makita ko ang lalaking dahilan kung bakit pare-parehong nasira ang aming mga pamilya ay nakalimutan kong magpaalam kay Aryan. Mabuti na lang at sinabihan ako ni Jerry dahil malinaw ang usapan naming dalawa ni Aryan na kung aalis ako ng bahay ay magpaalam ako sa kaniya dahil mapanganib nga naman kung basta na lang ako lalabas. Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa ibabaw ng sofa. Agad na tinawagan ko si Aryan at hindi nagtagal ay sinagot naman niya ang tawag ko. “Yes, baby, how are you?” Narinig kong tanong sa akin ni Aryan mula sa kabilang linya. “Ang sabi ni Jerry ay nahuli na