PRECY Halos hindi na umuuwi si daddy sa kaniyang bahay at dito na naglalagi sa amin dahil gusto niyang kasama araw-araw ang kambal. Umuuwi lang siya doon kapag sinusundo ng mga kapatid ni Aryan ang mga anak namin at dinadala sa bahay nila dahil gusto rin silang makasama ng kanilang grandparents. Bigla ay nagkaroon kami ng malaking pamilya. Naging maayos ang relasyon sa pagitan nina Aryan at daddy, gano'n rin sa mga in-laws ko. Dalawang linggo na ang lumipas simula ng makausap ko sina Geneva at Gwyneth. Positive ang resulta sa DNA test sa aming dalawa ng babaeng iyon, katunayan na kapatid ko nga siya sa ama. Sinabi ko kay daddy ang naging resulta. Matagal na pala niyang alam na hindi niya ako tunay na anak, pero hindi niya sinabi sa akin dahil natatakot raw siya noon na baka tuluyan ko