PRECY Dahil ayaw akong iwan nang mag-isa ni Aryan dito sa veranda, kaya kahit nanginginig ang buong katawan ko ay pinilit kong bumangon at tumayo. Walang kibo na pumasok ako sa loob ng silid niya at pagkatapos ay tinungo ang pintuan at pumunta sa guestroom kung saan tumuloy ang aking ama sa loob ng ilang araw na narito siya sa bahay ni Aryan. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ni Aryan. Ginawa ko ito para sa peace of mind ko dahil mas lalo lamang akong nasasaktan kapag nakikita ko siya sa paligid ko. Nanghihina na humiga ako sa kama at mahigpit na niyakap ko ang unan na ginamit ng aking ama. Sa ganitong paraan man lang ay nakaramdam ako ng comfort dahil kahit wala na si daddy dito ay nararamdaman ko pa rin ang presensya niya mula sa naiwang amoy niya sa punda at kumot. Kah