PRECY Kahit walang hawak na driver license ay walang pakialam sa mga traffic enforcer sa daan na nagda-drive ako ng walang direksyon. Basta sinusundan ko lang ang daang nakikita ko, hanggang nakakita ako ng bus, kaya bigla akong nagkaroon ng ideya kung saan ako p’wedeng pumunta at magtago. Ipinarada ako ang sasakyan ni Aryan sa gilid ng kalsada at pumara ng bus. Agad akong umupo sa bakanteng upuan malapit sa bintana at kinakabahan na tumingin sa labas. Sa tingin ko naman ay walang nakasunod sa akin na mga tauhan ni Aryan dahil hindi nila napag-handaan ang ginawa kong pag-alis kanina. Isa pa, naka-high speed ang sasakyang dala ko kanina habang nagmamaneho ako, kaya hindi agad nila ako maabutan kung sakaling sinundan ako ng mga tauhan ni Aryan. “Ma'am, saan po ang baba mo?” tanong ng l