ARYAN Dahil alam kong ayaw akong makita ng asawa ko, kaya lumabas ako ng silid namin. Pinili ko ang manatili dito sa loob ng library para sana gawin ang trabaho ko, pero kahit matagal ko nang kaharap ang nakabukas na laptop sa harap ko ay walang matinong pumapasok sa isipan ko. Wala akong ibang nasa isip ngayon kung ‘di ang asawa ko dahil bukod sa nag-aalala ako sa nakikita kong kondisyon niya ay natatakot rin ako sa posibleng maging epekto nito sa anak namin. She cried a lot. Galit na galit sa akin si Precy, which I understand kung bakit gano'n ang nararamdaman niya. Kanina ko pa pinagmamasdan ang asawa ko habang pinapanood ko ang CCTV footage sa loob ng silid namin. I'm relieved habang nakatitig sa naka-zoom na magandang mukha ni Precy dahil hindi na siya umiiyak ngayon. Nasa kanya