PRECY Nang matapos mag-banlaw at maglinis ng katawan ay niyaya ko nang mahiga si Aryan dahil inaantok na talaga ako. Isa-isang tiningnan ko ang mga bata kung maayos ang tulog nila dahil malikot kung matulog ang kambal. Nang masiguro na mahimbing ang tulog ng mga anak namin ay sabay kaming nahiga sa kama ni Aryan. Napangiti ako nang pumailalim sa ulunan ko ang kaliwang braso ng asawa ko, kaya naka-unan ang ulo ko sa kaniya, sabay pulupot ng kanang braso niya sa bewang ko at mabilis akong hinapit pasiksik sa katawan niya. “Good night, baby,” malambing na bulong sa akin ng asawa ko. “Good night.” Tinawid ko ang pagitan ng aming mga mukha at mabilis na hinalikan siya sa gilid ng labi. Kahit malamlam ang liwanag ng ilaw dito sa loob ng aming silid ay nakita kong napangiti si Aryan nang