PRECY “Ang lamig talaga dito sa France,” nanginginig ang katawan na sabi ni Ate Marites sa amin ni Tinay. Bumaling siya sa kin habang mabilis na pinagkiskis ang mga palad. “Kailan ba tayo uuwi sa Pilipinas, Precy?” “Huwag ka munang magtanong, Ate Marites. Minsan lang tayo makapunta dito sa France, kaya sulitin na natin,” sabi naman ni Tinay na balot na balot ang buong katawan, suot ang makapal na jacket at pang-winter na damit. “Hoy, Tinay! Ikaw na lang ang tumira dito sa France habang-buhay kung gusto mo at baka mamatay ako ng maaga dito,” malakas na sabi ni Ate Marites sa kasama namin. “Alam mo bang apat na araw na akong walang ligo at halos ayaw kong mabasa ng tubig kasi ang lamig na talaga ngayon!” “Ew! Grabe ka naman, Ate Marites. Ang dugyot mo,” naka-ngiwing sabi ni Tinay.