PRECY Simula nang dumating dito sa bahay si Aryan ay hindi na ako mapakali. Paranoid na rin ako habang nakabantay sa bawat kilos ng mga anak ko dahil baka bigla silang kunin ni Aryan kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Balewala na sa akin na natigil ako sa pagsusulat dahil hindi rin naman ako makapag-isip ng maayos, kaya hindi na talaga ako makapag-pokus sa ginagawa ko. Alam kong may kasamang mga tauhan si Aryan dahil may nakita akong mga lalaki sa labas ng bahay ko, kaya mas lalo lamang akong nakaramdam ng kaba ngayong nahanap na niya kami ng mga bata. Mula sa kinauupuan ni Patrick ay lumapit siya sa akin. Naglalambing na niyakap ako ng anak ko at sinabing gusto raw niyang mag-merienda dahil nagugutom na siya. “Gusto mo ba ng cereal?” tanong ko sa anak ko. Umiling si Patrick at s