PRECY “Call Doctor Santos, now!” Narinig kong malakas na sigaw ni Aryan sa kasama naming mga tauhan. “Ano'ng nangyayari kay Percy?” malakas na tanong rin ni Ate Marites. “She's experiencing a panic attack!” malakas na sagot ni Aryan. “Ano'ng panic attack? Wala sa sarili, gano'n?” magkasunod na tanong ni Ate Marites sa asawa ko. “Yes!” Narinig kong sagot ng asawa ko at pagkatapos ay sumigaw na bigyan siya ng tubig. “Sandali nga! Huwag kayong mataranta at pati ako ay natatakot, eh!” malakas na sabi rin ni Ate Marites. Narinig ko na pinata-tahimik siya ni Casper pero dahil ususera si Ate Marites ay hindi siya nakinig. Bigla na lang ay isang malakas na sampal ang tumama sa kanang pisngi ko. Narinig kong sinundan ito ng malakas na pagmumura ng asawa ko, kaya natauhan ako. “Okay ka na