PRECY Tiim-bagang na nakatingin si daddy sa magkahugpong na mga kamay naming dalawa ni Aryan habang pababa siya ng hagdan. Alam kong galit siya na nakita kaming magkasama pumunta dito sa bahay ng asawa ko dahil matalim ang kaniyang mga mata habang kuyom ang kamao na nakatingin sa amin. Tumigil siya sa harap namin ni Aryan at naniningkit ang mga matang tinitigan ng masama ang asawa ko. Nakatayo naman ng tuwid si Aryan sa tabi ko. Alam ko na kahit ano pa ang sa sabihin ngayon ng aking ama ay tatanggapin niya dahil alam niya na malaki ang naging kasalanan niya sa aking pamilya. “Dad,” naiiyak na tawag ko sa aking ama. “What happened to you, Precy? Are you really out of your mind at nagawa mong pumunta dito sa bahay ko na kasama pa ang lalaking iyan?” magkasunod na tanong ni daddy sa a