PRECY Sandali akong natigilan at nauwi sa malalim na pag-iisip. Ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakapag-salita dahil wala talaga akong maalala sa mga nangyari noon. “Kilala mo ba ang mga armadong lalaking humarang at kumaladkad sa iyo palabas ng ospital, Yaya?” naguguluhan na tanong ko kay Yaya Maricel. “Wala ka pa bang naalala sa nangyari noon kahit kaunti lang, Precy?” tanong rin sa akin ni Yaya Maricel at hindi niya sinagot ang tanong ko. “Wala po,” mabilis na sagot ko habang sapo ang kumikirot na sintido. “Yaya, ano po ang alam mo sa nangyari noon?” Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Narinig kong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Yaya Maricel. Sumulyap muna siya sa sala kung saan naroon sina Aryan at daddy ngayon bago muling humarap sa akin. “An