PRECY Dahil nakapag-usap na kaming tatlo ay nagkaroon kami ng conclusion na hindi nga lang talaga basta aksidente ang nangyari sa amin noon. Hindi lang si Aryan ang nanganib ang buhay sa mga kalaban ng kaniyang clan dahil maging kami rin pala ng aking ina ay may kinaharap rin na panganib, pero dahil hindi ko maalala kung ano ba talaga ang nangyari noon, kaya tanging ang version lamang ng asawa ko ang alam ko. “Bakit hindi natin puntahan at tanungin sina Geneva at Gwyneth?” tanong ko kina daddy at Aryan. “Baby, are you sure, na kaya mo silang makaharap?” tanong rin sa akin ng asawa ko dahil alam niya na mahina ang katawan ko. “Kaya ko, Aryan,” taas noo at matigas na sagot ko. “Alright, I'm with you, baby. Calm yourself, alam mong maselan ang pagbubuntis mo,” paalala sa akin ng asawa