PRECY “No! You're lying, Geneva!” malakas na sigaw ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Aryan habang panay ang hagod ng palad sa likuran ko. “Kung naalala mo lang ang lahat, you won't blame me for everything that happens to you, Precy, dahil nakita mismo ng mga mata mo kung paano nagtataksil ang asawa ko at ang mommy mo!” malakas na sigaw ni Geneva sa akin. Sunod-sunod akong napa-iling habang mabilis na nag-uunahan ang pumapatak na mga luha sa magkabilang pisngi ko. Bigla ay naalala ko si daddy, pati na rin ang sinabi ni Yaya Maricel kanina na iwasan naming magalit siya dahil hindi ito maganda sa kaniyang kalusugan. “Dad…” Garalgal ang tinig na tawag ko sa aking ama. Tumango lang si daddy sa akin. Nakita ko siyang humakbang palapit kay Geneva at tumigil sa harap nito. “Bakit hindi m