PRECY Taas noo na tiningnan ko sa mga mata si Gwyneth. Hindi ito ang tamang oras para maging mahina ako at makaramdam ng awa sa sarili ko ng dahil lamang sa mga maling desisyon sa buhay ng mga magulang ko. “Given na anak nga ako ng tatay mo, Gwyneth, hindi ko kasalanan kung anuman ang kasalanang ginawa nilang dalawa ni Mommy,” matigas na sabi ko sa mga kaharap ko. “Pero anak ka nila sa pagkakasala! Ikaw at ang nanay mo ang sumira sa buhay naming dalawa ni Mommy, kaya dapat lang na pagbayaran mo habambuhay ang panloloko ninyo sa amin!” galit na galit na sigaw ni Gwyneth sa akin. Napa-iling na lamang ako. Sa narinig ko ay napagtanto ko na sarado na ang isip ni Gwyneth dahil puno na siya ng galit laban sa akin. Pagod na akong maging mahina at sisihin ang sarili ko sa mga hindi magandang