PRECY Gabi na nang umuwi dito sa bahay si Aryan. Hindi ko siya kinausap kahit ilang ulit niyang sinubukan na kausapin ako. “Bakit hindi mo ako tinawagan bago umalis kanina si Mr. Miguel?” Narinig kong tanong ni Aryan sa kung sino, habang hawak ng kanang kamay ang cellphone. Ako ang una niyang tinanong nang dumating siya kanina, pero sinimangutan ko siya at kahit isa sa kanyang mga tanong ay hindi ko sinagot. Balot ng selos ang puso ko dahil alam kong galing siya kay Gwyneth kanina at nagkita silang dalawa, tapos uuwi dito sa bahay si Aryan na parang walang nangyari at nagkukunwari siyang nag-aalala sa akin. Alam kong wala naman akong karapatan na magselos kasi una pa lang ay hindi naman talaga ako ang gusto ni Aryan kung ‘di si Gwyneth, kaya lang umasa kasi ako, eh. Naging maganda a