CHAPTER FIVE

2065 Words
AKALA ko talaga, eh, katapusan ko na. Buti na lang ay to the rescue ang peg nitong si Dwhite. “Salamat sa ’yo, ah? Buti naabutan mo pa ako,” sabi ko sa kaniya. Bumuntonghinga siya't patuloy paring pinupunasan ng dahon ng mismong vine lang din na iyon, ang mga sugat ko. Bali, ang venomous na part talaga ng vine na iyon ay ang stem na kumakatay. Kapag nahagip ka't masugatan ng magaspang na vine na iyon, hindi ka na mag-e-expect pang gagaling pa ang sugat mo. Tiyak na katapusan mo na rin sa mundo. Pero, iilan lamang ang nakakaalam na ang dahon lamang din ng vine, ang mismong gamot o panlunas sa venom na tinataglay niyon. At maswerte ako dahil ngayon ko lamang ito natutuhan nang sabihin ito sa akin ni Dwhite. ’Di ba? Full package na talaga siya. Gwapo na, matalino pa. At saka, creative na rin! “Mahapdi pa ba?” tanong niya sa akin. “Concerned ka, ’no?” pang-epal ko naman. Bumuga ulit siya ng malalim na paghinga. Mukhang ayaw niya yatang makipagbiroan kaya hinarap ko siya't tinapik sa kaniyang balikat. “Oo, mahapdi pa rin. Pero mas maayos na ang pakiramdam ko, kumpara kanina.” Ayan. Binigyan ko na siya ng matinong sagot. Tiningnan niya ako nang seryoso. “Are you sure, aalis ka na sa lagay mong iyan?” tanong niya. Patayo na kasi sana ako para kuhanin ang mga gamit ko na nasa lapag. Ngumiti ako nang kaunti. “Actually, aabot pa ng limang araw upang malakbay ang talagang bayan namin. Malaki ang Flenzieras. At ngayong mukhang hindi ko na kabisado ang lugar, aabotin pa siguro ako nito ng mahigit limang araw pa. Kaya, oo. Aalis na ako kahit na ganito ang kalagayan ko.” Sana man lang pipigilan niya ako. Masakit parin kaya ang mga paa ko. Siyempre, biro lang. Inirapan niya ako. Aba! Medyo red flag ka riyan sa part na iyan, ’te. “Dito ka na lamang muna magpalipas ng gabi. May ginawa akong kubo sa dulo niyong tulay. And you don't have to think naughty. Kasya kahit buong pamilya roon. Kaya hindi tayo magkakasama sa isang kuwarto,” malamig na sabi niya. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. “Naughty ka riyan. Baka ikaw.” Masama niya akong tiningnan. Pagkatapos, bigla na lang siyang lumapit sa akin. Akala ko, anong gagawin niya. Ayon pala. Bubuhatin niya lang pala ako. Wait. Binuhat niya ako! Bridal style! “A-Anong ginagawa m-mo? Iyong mga gamit ko,” nagkakandautal na wika ko. Pero medyo pabebe rin kung pakinggan. “Calm down. I won't harm you. Ako na ang bahala sa mga gamit mo. Magpahinga kana kaagad sa kubo kapag naipuwesto na kita. ’Tapos, gigisingin na lang kita kapag luto na ang hapunan.” Aba! Husband material din pala ang lalaking ito. I don't mind na pala kung may gagawin siyang naughty things sa akin—siyempre, joke lang. “Pasensya na talaga sa abala.” Kumapit ako nang mahigpit sa kaniya. Siyempre, moment ko ito. At siyempre, para pabebe na rin. I heard a manly yet soft chuckle from him. Naks, ang sarap pakinggan ng boses niya kapag tumawa. “You just saved me from earlier. So here's the token of my appreciation,” aniya. Bigla akong nalungkot. Paano kung babalik na naman ang suicidal thoughts niya kapag aalis na ako bukas? Ano ba naman iyan? Nangangati tuloy ang dila ko na magtanong kung ano ba talaga ang problema niya. Para naman kahit papaano, makaka-advice ako kahit kaunti. Madalas kasi, ayon sa nababasa ko, temporary lang talaga ang ganoong klasing mindset. Ang mga taong gustong mag suicide were actually still scared of dying. Hindi totoong gusto na nilang mamatay. Gusto lamang nilang matapos ang sakit na nararamdaman o ang mga pinagdadaanan nila. Ganoon ka importante ang communication. Malay mo, ang simpleng “Hello, kumusta ka na? Wala na akong balita sa ’yo,” eh, makakaligtas na ng buhay. Sometimes, it's just a matter of communication. And talking to a trusted person could save you. Kaso, sa tingin ko kay Dwhite, mukhang wala siyang kasama. So basically, wala siyang nakakausap madalas. “Uhh, wala ka pa bang balak bumitaw? Alam kong type mo ako. Pero nasasakal na ako sa pagkakapit mo, eh.” Nabalik ako sa kasalukuyan. Ang dami kong sinasabi sa isip ko, kanina pa pala kami nakaabot sa kuwarto ng kubo ni Dwhite. And in all fairness, napaka ganda ng pagkagawa. Lakas makayakap sa kultura ng lugar namin! “S-Sorry naman. Natulala lang ako sa ganda ng kubo mo,” palusot ko. “Kailan pa naging kubo ang mukha ko? You've been staring at my face the whole time while I was carrying you.” Ganyan pala siya magagalit? Nag-E-English? “Sorry naman. Oo kase. Ang gwapo mo. Sobra,” sarkastikong sabi ko. But I really mean it. Ngumiti siya nang pilyo, saka ako inalalayan pahiga sa kama. “Rest well, Seri,” usad niya. Napangiwi ako. “Parang sinabi mo na ring, rest in peace, Seri.” Nahuli ko ang pag angat ng dulo ng labi niya. Uy, napangiti ko siya. Ayaw pang ipahalata, eh. Mayamaya ay wala na si Dwight sa paningin ko. Hindi rin nagtagal ay nilamon na ako ng antok. KINABUKASAN, nagising na lamang ako sa bango ba naman ng paligid ko. Amoy inihaw na karne. Nakakatakam. Dahan-dahan akong bumangon, pinakiramdaman ang sarili ko. Nakahinga ako nang maluwag. Maayos na ang pakiramdam ko. Tuluyan nang nawala ang lason sa katawan ko. Kinapa ko ang aking noo, may basang bimpo na nakalapat roon. Muntik nang malaglag nang subukan kong tumayo. Mayamaya, may naalala ako tungkol kagabi. “Seri, luto na ang hapunan. Gumising ka muna. Matulog ka na lang ulit pagkatapos mong kumain—Seri?” Ramdam ko ang pag-alog ng katawan ko. “Seri, inaapoy ka ng lagnat!” Rinig kong may nagsisigaw sa harap ko. Pero pilitan ko mang idilat ang mga mata ko, hindi ko magawa. Para akong binalot sa lumpia wrapper. Hindi ako makagalaw kasi parang may pumipigil sa akin. Lima? Limang minuto. Naramdaman ko ang paglapat ng malamig na bagay sa pisngi ko. Hinahaplos niyon ang mukha ko. Mula noo, tainga, leeg, at mga parte ng katawan ko na pakiramdam ko ay umaapoy. Ramdam ko rin ng paghaplos ng isang bagay sa buhok ko. Sa hindi ko alam na dahilan, bigla kong maalala si Mama. Naiiyak ako. “Pauwi na po ako, ’Ma.” Pero hinang-hina pa ang katawan ko. So papaano? Inalog ni Dwhite ang balikat ko. “Seri? Ayos ka lang ba?” Kinapa niya ang noo at leeg ko. “Wala na ang lagnat mo, pero lutang ka naman.” Nabalik ako sa kasalukuyan. Tumikhim ako para mawala ang bumara sa aking lalamunan. “P-Pasensya na,” tanging nasabi ko. Bumuntonghinga siya't inabot sa akin ang isang basong tubig. “Uminom ka muna. Sabay na tayong kumain. Dinala ko na lang dito ang pagkain. Medyo mahina ka pa nga.” Tiningala ko si Dwhite. Mukhang nag-aalala siya, pero parang gusto kong mainis. Bakit parang ang hina ko nga? At bakit parang tinatrato niya ako na para bang ang hina ko talaga? Bakit ba nagtatagal ako rito? Akala ko ba, nagmamadali ako? Tumayo ako nang diretcho. “Maraming salamat sa pag-alaga mo sa akin. Pero hindi mo na kailangang gawin ito. Maayos na ako. Saka, hindi ko talaga kailangan ng tulong. Isa akong sentinel ng pangkat na kinabibilangan ko. Madalas ay ako ang nagliligtas at nag-aalaga sa kanila. Hindi iyong ganito, na para bang ako iyong mahina,” mahabang pahayag ko. Natigilan si Dwhite. Parang nag-iisip. Nangunot ang noo niya at pinagkatitigan ako. “May switch personality ka ba? Kahapon lang eh, ang jolly mo. Ngayon, parang sinong superhero ka kung maka-asta.” Ako naman ang hindi makasagot. “I am not saying you are weak. You're just not feeling well. Wala akong paki sa tungkolin mo. Nandito ka sa territory ko, may sakit, at nag-iisa. Hindi ko kailangan ng opinyon mo. Ewan kung sarcasm ang pag-tha-thank you mo sa akin, or hindi. Makakaalis ka lang kapag okay ka na talaga.” Palihim akong napairap. Hindi ko rin alam kung bakit tinototoyo ako ngayon. Pero na-realize ko lang kasi na hindi ito tama. Dapat malakas ako, hindi itong nagpapabebe sa isang estranghenyo—or let me rephrase, isang binatang werewolf na nakilala ko lang kahapon. Umupo ulit ako. Tiningala ko ulit siya. “Worried ka ba sa akin? Crush mo ako ’no?” Ngumiti siya nang pilyo. “I think you're already fever free.” Napairap ulit ako. Bumuntonghinga siya. “Sorry, I am done with liking or loving a person. I am done with that sh*t.” “Woah! Ibig sabihin, heartbroken ka pala? Don't tell me, ang pagiging pusong sawi ang rason mo bakit ang emo mo kahapon,” sabat ko. Ngumiti siya at umiling, saka tumabi ng upo sa akin. “She was the first person who made my heart skip a beat every time she was around. Siya ang dahilan kung bakit pansamantalang nawala ang pangungulila ko sa pagmamahal galing sa mga magulang ko. Siya ang nagiging liwanag habang pilit kong ginagapang ang madilim kung buhay.” Poet yata ang isang ’to. Ang galing kasi kung makapag-compose ng mga salita. Pero himala, nagbahagi siya sa akin! “Nasan ba ang mga magulang mo? If ayos lang sa ’yo kung magtatanong ako,” wika ko sa kaniya. “Simple, pinatay sila.” Nanlaki ang mga mata ko. “B-Bakit?” “Dahil sa akin. Nakita mo naman ang anyo ko, hindi ba? Hindi pangkaraniwang ang wangis ko kapag nagiging werewolf ako. Maraming nagtangkang kunin ako, bilhin ako dahil mukha akong pampaswerte, at patayin dahil baka hatid ko rin ay kamalasan. Laging nagkakagulo nang dahil sa akin. Hanggang sa humantong sa p*****n ang lahat—” “Wala kang planong maghiganti?” “Wala akong lakas para riyan. Lumayas ako sa baryo. Nagtago sa siyudad. Nakikihalobilo sa mga tao. Nagtatago tuwing full moon, babalik kapag maayos hindi na. Hanggang sa nakilala ko siya. Unti-unti akong nakabangon mula sa pagkakahimlay. Naging magkaibigan kami. Ang ganda niya, sobra. Ang bait. Kapag ngumiti siya, nakakabaliw. Para kang hihigopin.” Bigla siyang natawa. “Sorry, I think I overshared myself.” “No! Magkwento ka. Gusto kong makinig.” Ngumiti ako. “Anong nangyari?” Mahina siyang tumawa bago magpatuloy. “Kaso noong sinabi ko sa kaniya na isa akong werewolf, ipinakita ko sa kaniya ang totoo kong anyo, umaasang magugustuhan niya ang wangis ko, walang pagdadalawang-isip niya akong kinatakutan. Rinig ko pa ang pagsigaw niya. Magmamakaawang huwag raw akong lumapit.” Tiningnan niya ako sa mga mata. Doon ko na pansin na naluluha na pala si Dwhite. “Mula noon, ayaw ko nang umasa pa na magiging maayos ang lahat. Dahil noon pa man ay hindi na talaga maayos ang lahat. Kaya sabi ko sayo. Mawala man ako sa mundo, o hindi. It doesn't really matter at all.” Ang kapal naman ng mukha ko para daanin lamang sa biro ang nanyari kahapon. Habang nakikinig sa kwento ni Dwhite, at habang inoobserbahan ang pagiging open niya sa mga oras na ito kahit hindi niya pa ako lubos na kakilala, mas lalo ko ngang na confirm na tama nga iyong natutuhan ko patungkol sa mga taong nag-a-atempt na kitilin ang buhay nila. I smiled at him sincerely. Para naman maramdaman niya na simula ngayon, may kaibigan na siyang malalapitan. Tinapik ko ang balikat niya. “Tama na. Sige na nga, hindi na ako aalis para hindi ka na mag-e-emote. Huwag kang mag-aalala. Hindi ako takot sa iyo. Simula ngayon, kaibigan mo na ako, walang halong kemikal. Okay?” Mahina siyang tumawa at umiling-iling. “Mukhang ikaw nga itong legit na may crush sa akin, eh.” Ngumisi ako. “Aba, oo naman! Pero hindi iyan ang mahalaga. Ang mahalaga ay magiging okay rin ang lahat. Saka hindi kana nag-iisa. About sa family mo, I am sorry for that. But it's time for you to start moving on. Iyong legit na pag-mo-move on. Hindi iyong pansamantala ka lang na-de-destruct dahil in love ka.” Ngumiti siya sa akin. Naks, marunong naman pala ngumiti. “Thanks, Seri.” “Alam mo, mas gwapo ka kapag nakangiti.” Kinindatan ko siya kasi totoo naman. Nahuli ko pa ang pamumula ng pisngi niya. “Kumain na nga lang tayo,” aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD