Jino-joke time yata ako ng lalaking ito. Hindi porque guwapo, eh, mayabang na. Ni wala nga siyang kaalam-alam sa pinagdadaanan ko ngayon, eh.
At ngayong nailigtas ko na naman siya sa pangalawang beses, dumoble na iyong galit niya sa akin.
“Miss, napaka pakialamera mo naman. Desisyon kong magpakamalaya sa buhay ko. Hayaan mo ako!” hasik ni mamang prince charming.
B*wisit na lalaking ito. Kaunting-kaunti na nga lang ang mga natitirang guwapo sa mundo, babawasan niya pa!
“Alam mo, Mister kung sino ka man . . . Hindi sa lahat ng bagay desisyon mo ang masusunod at pagpapakamatay ang solusyon. Malay mo, bukas magiging okay na ang lahat. ’Tapos ngayon tinapos mo na kaagad. Paano ka makakabawi sa pagiging emo mo riyan kung ngayon pa lang susuko ka na?” Hindi ko alam kung saan galing ang mga pinagsasabi ko. Ang tanging umiikot lang sa isip ko ay kung paano ma-motivate ang malditong guwapo na ito.
Masama niya akong tiningnan. “Baka naman may balak ka sa akin. Kaya sunod ka nang sunod diyan.”
Tinaasan ko siya ng kilay. Aba, aware pala siyang attractive talaga siya. Kaya may karapatan siyang magyabang.
“Excuse me, hindi kita kilala ’no. At alam kong I should mind my own business too. Pero kahit sino namang taong makita ka na akmang magbibigti, eh, talagang pipigilan ka!” depensa ko sa sarili.
Ngumiti lamang siya sa akin at umiiling. Sh*t, parang dinukot ang puso ko!
Pinilit kong umakto nang maayos. Siyempre, dapat cool parin tayo tingnan kahit nakakapanglambot ng mga tuhod ang wangis niya.
Pero ngayon ko lang din na-realize na hindi pa pala dapat magpaka-cool sa ngayon. Dahil kulang na lamang ay pagbansagan kaming “Adam and Eve” sa lagay namin ngayon dito sa gitna ng kagubatan! Wala kaming suot na matino! Siya, kanina pang nakahubad, binabandera ang . . . alam niyo na. ’Tapos ako, kinulang na sa tela.
Nahuli niya akong mukhang hindi mapakali sa sitwasyon namin. Nagtama ang mga mata namin hanggang sa maya-maya, pareho na kaming nababakla sa mga sarili namin.
“Hala! H’wag kang tumingin sa akin! Bastos ka, binibini!” sigaw niya sa akin.
Ako naman na napanganga sa inaasta niya, mas lalo ko na lamang siyang natitigan. Hindi ko yata kayang kumurap sa sobrang pagka-shock.
“Sabi nang tumalikod ka!”
Nataohan rin ako sa wakas.
BANDANG ALAS-DOSE na ng tanghali, kumakalam na ang sikmura ko. Hindi ako nakapag-agahan, eh. Kasalukuyan ko paring sinasabayan ang prinsipeng nakihiram ng malaking t-shirt ko, pati pajamas.
Medyo naloloka na ako sa rutang tatahakin ko. Hindi na kasi ako nakabalik doon sa rutang dinaanan ko kanina.
Ayaw ko ring iwanan ang lalaking ito, dahil baka mamaya magtangka na naman itong kitilin ang buhay niya. May sapak yata sa ulo ito.
Nilingon ko siya. Tahimik lamang siyang nakasunod sa akin. Yup! Ang haba ng hair ko. May nakabuntot sa akin na isang poging werewolf. Muntik ko na ngang makalimutan na may iniwan at haharapin akong kaguluhan. Ibang klase kasi ang charisma ng lalaking ito. Para siyang isang jumbo hotdog. Kasi kapag nakikita ko siya, masasabi ko na lang na . . . “Kaya ko na ’to!”
Aaahhh! Bw*set!
“Okay ka lang?” biglaang pagsasalita niya.
Mabilisan ko nang inilayo ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko na lang siya kinibo muna.
Dapat hindi ako mag-aaksaya ng panahon, eh. Tanghali na't parang naliligaw pa ako. Marami na kasi ang nagbago sa lugar. Mas marami na ring halaman na tumutubo, at hindi na nga ako pamilyar, eh.
Bukod sa parang naliligaw, gutom na rin ako. Ewan sa kaniya.
“Sa ilog,” aniya.
Napaigtad naman ako. Ano ba kasi ang taong ito, bigla-bigla kung magsasalita!
“Ano?”
“Sa ilog, maraming isda roon. Puwedeng doon tayo manguha ng makakain,” sabi niya.
Pinandilatan ko naman siya ng mga mata. “Mind reader ka ba?”
Hinimas niya ang kaniyang braso at nahihiyang umiling-iling. Pabebe rin.
“Oh, siya! Thank you! Gutom na talaga kasi ako,” sabi ko.
Malimit siyang ngumiti at umuna sa akin sa paglalakad. Sinundan ko siya. Hindi ko tuloy mapigilang matitigan ang matikas niyang katawan. Hindi ito iyong tipong halos doon na natutulog sa gym na klase ng katawan. Sakto lang. Parang alagang gulay lang. Soft siya tingnan pero nang mahawakan ko siya kanina . . . Ehem, daddy!
Joke lang!
Ang tangkad niya rin! Hanggang shoulder level niya lang ako. Hindi naman ako kaliitang babae. Sakto lang din.
Nasaan kaya ang angkan ng lalaking ito? Naliligaw rin ba siya? Pero kung naliligaw siya, bakit parang kabisado naman yata niya ang buong kagubatan na ’to?
“Uhm . . . Hindi ako komportable kapag tinitigan ako, binibini.” Bigla niya akong nilingon. Seryoso ang mga mapupungay ng mga mata, pero nariyan parin ang pagkakailang at pagkakahiya at the same time. Namumula rin ang pisngi, hindi ko naman siya sinampal kanina.
Ngumisi ako nang malapad. “Seri na lang. Binibini ka nang binibini, eh. Oo na. Single na ako. Gusto mong i-confirm na wala pa akong asawa? Akala mo mag-re-react ako—na dapat "Ginang" ang tawag mo sa akin dahil may asawa na ako—pero hindi pala? Naku! Alam ko na iyan—”
“I don't care about your civil status, miss,” malamig na sabi niya.
“Miss? Miss mo ’ko?” Hindi ko na mapigilang matawa. Ang hype ko yata ngayong araw.
Rinig ko ang pagbuga niya ng hininga. “I am Damon White. Dwhite, for short,” tipid na pagpapakilala niya. Nagsimula na ulit siyang maglakad.
“Anong apelido mo?” tanong ko habang sinusundan parin siya.
Sandali niya akong nilingon. “Bakit? May balak kang idugtong sa pangalan mo?” mapanuksong sabi niya, dahilan upang mapa-“Wow” ako sa kayabangan niya!
“Ang tindi mo!” hasik ko sa pagmumukha niya. May alam din pala ang lalaking ito.
Mukhang happiness na yata ako ng isang ’to dahil ang lakas ng naging tawa niya.
“Castro. Castro ang apelido ko,” aniya.
Ayan naman pala, eh. Akala ko kasi walang mga magulang ’to. Kaya naliligaw.
“Narito na tayo,” anunsyo niya nang makarating na kami sa sinabi niyang ilog—hindi . . . Isang paraiso!
Green, blue, pink, at yellow ang halos makikita sa buong lugar. Sobrang ganda. Iyong sa tabing ilog, may garden ng mga wild flowers na kulay pink at yellow. Malalaling puno na mukhang sinasadyang kortehan ang mga dahon, sa bawat sulok ng lugar. Sa gitna naman ng ilog, may bridge na hindi kataasan, na gawa sa ugat at mga vines. Ang galing talaga. Ayaw maalis ng mga mata ko sa tanawin.
“Hala! Kailan pa nagkaroon ng paraiso rito?” manghang sabi ko.
Sa tinagal-tagal ko sa bayang ito, dito ako lumaki, hindi pa ako kailan man nakaapak sa parteng ito ng kagubatang ito.
“Matagal nang abandonado ang ilog na ito. Dito madalas tinatapon noon ng mga naninirahan dito, ang mga bangkay lalo na noong madalas magkaroon ng digmaan ang lugar na ito. Dahil doon, nagkakasakit ang mga naninirahan dito—mostly mga werewolf. Dito kami nakatira noon. Naging mabaho rito at ginawang tambakan ng mga basura at mga patay na hayop. Naging tambayan narin ng mga masasamang elemento,” mahabang pahiwatig ni Dwhite.
“So, paanong naging ganito ulit ka ganda itong lugar?” Bahala na kung masabihan akong ignorante. Pero napakaganda talaga ng tanawin.
Ngumiti siya at umiling-iling. “Nagkaroon ng napakalakas na bagyo, limang taon na ang nakalipas. Na-washout ang maruming tubig, pati na mga basura. Nakalbo rin ang ibang mga pananim. Kaya noong nawala sila Mama at Papa, dito na ako palaging tumatambay.”
Natahimik ako, napapaisip. Kung ganoon, wala na ngang magulang si Dwhite. Wala na rin ba siyang tirahan?
Tumikhim ako para mawala ang bumabara sa aking lalamunan bago magsalita. “Sorry to hear about that. Pero ibig sabihin ba, ikaw ang may gawa ng landscaping sa lugar na ito?” Pilit kong pagaanin ang mood.
Rinig ko siyang bahagyang tumawa. “Hindi rin naman naging ganoon ka dali.”
Ngumiwi ako. “’Sus! Pa-humble ka pa. Kung ganoon, saan ka talaga tumitira?” tanong ko.
Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Iyong tipong maaraw, tapos biglang naging maulap.
“Ah, hindi mo na kailangang sagutin. ’To naman kasing bibig ko, walang stopper. Sorry, Dwhite,” natatarantang wika ko.
Ngumiti lang siya nang malapad at nagpatuloy na sa paglalakad. Muntik ko nang malimutang nagugutom nga pala ako.
MALAKING isda ang pinagpiyestahan naming dalawa ni Dwhite ngayon dito sa may tabing ilog. Ang laki nito. Inihaw na namin kaagad nang mahuli ito. Isa lang ang nahuli namin pero parang nahihirapan na kaming ubusin. Akala ko talaga kaya ko lang itong ubosin. Pero siya nga mismo umaayaw na.
Nilingon ko si Dwhite. Abala parin siya sa pagkain. Hindi ko talaga kayang mapigilang ma-curious tungkol sa nangyari kanina.
“Dwhite, huwag mo sanang mamasamain, ah? Bakit mo pala ginawa iyon kanina?”
Nangunot ang noo niya. “Ang alin?”
“Iyong . . . Alam mo na . . . Magbigti,” aniko.
Sandali niya akong pinagkatitigan. “Bawal ba?” sa halip ay tanong niya.
Napangiwi na lamang ako. “Huwag mong gawin iyon.”
Rinig ko siyang bahagyang tumawa. “Depende. Pero mawala man ako, o hindi, trust me. Nothing will change. It doesn't really matter.”
Bumuntonghinga ako. Alam kong wala ako sa lugar para mangingi-alam sa buhay ng iba. Hindi ko siya kilala't wala rin siyang paki sa akin. Pero hindi ko parin kayang hayaang basta na lang siyang iwan dito sa gitna ng kagubatan, na nag-iisa. Lalo na't iba nga talaga ang takbo ng isip niya ngayon.
Hinarap ko si Dwhite. “Sumama ka na lang sa akin.”
Nangunot ang noo niya. “Saan? Saka ano pala ang ginagawa mo rito sa Flenzieras? Naliligaw ka ba?”
Ngumisi ako. “Taga rito ako. Isa akong Flenzier. Seri Flenzier ang buo kong pangalan. Kaya lang matagal na mula noong makauwi ako. Sumama kasi ako sa ibang pangkat mula noong nahiwalay ako sa pamilya ko. Ngayon naman, nanganganib ang buhay ng pamilya ko. Kaya ako bumalik dito para iligtas sila.”
“So, bakit ka nag-aaksaya ng oras para sa akin? Dapat nga nagmamadali ka na,” sabi ni Dwhite.
“Kaya nga samahan mo ako. Nakalimutan ko na kasi ang mga daanan dito. Mukhang pati mga ruta, eh, nasira rin ng bagyo noon. Pati itong ilog, ni hindi ko nga alam na nag-e-exist ito rito sa kagubatan, eh.”
“Ayaw kong sumama. Hindi kita kilala. Wala rin akong maitutulong sa ’yo. May gagawin pa ako,” malamig na sabi ni Dwhite. Ang arte naman.
Ngumuso ako. “Ganito na lang. Kung sasamahan mo ako, may kiss ka sa akin.”
Tiningnan niya naman ako na para bang diring-diri siya sa akin. Aba!
“No thanks, Seri. Aalis na ako. Diretso ka lang sa rutang iyan. Iyan ang dating ruta papunta sa mga bayang sakop ng Flenzieras. Baka bayan niyo iyon.” Turo niya sa daan na pinapagitnaan ng matataas na d**o at mga vines na kumakatay.
Tumalikod na si Dwhite. Hindi pa ako nakapagsalita, nagsimula na siyang maglakad paalis, bitbit ang mga dahon ng saging na pinagkainan namin.
Tumalikod na lamang din ako.
Oo nga. Hindi niya ako kilala, at ganoon din ako. Hindi ko alam ang pinagdadaanan niya, at ganoon din siya sa akin. May priority rin ako. Hindi ako puwedeng matagalan. So, siguro hahayaan ko na lang siya. Sino ba naman ako para mangingi-alam? Hindi ko naman puwedeng i-judge ang gagawin niya.
Pero . . . magpapakamatay siya, Seri!
Nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko ulit siya at akmang mabilisang sundan, nang biglang may naapakan ako. At sa isang iglap, natutuhan ko na lamang na nakabitay na ako sa itaas ng puno! Ang ulo ko ay nasa ibaba, habang ang mga paa ko naman ay nasa itaas, nakakabit sa kung ano mang trap na sinadyang inilagay rito.
“T-Tulong!” sigaw ko, pero mukhang hindi iyon ganoon ka lakas.
Unti-unting humapdi ang paanan ko. Sinubukan kong i-angat ang aking katawan na nakabitay upang matingnan ang mga paa kong binalikusan pala ng matabang vine.
Nanlaki ang mga mata ko nang mahagip ng aking paningin ang uri ng halaman na bumalikos sa mga paa ko. Isang venomous vine na dito lang sa Slovokandia matatagpuan. Katumbas nito ang venom na nakukuha sa isang venomous na ahas.
Hindi nagtagal, ramdam ko ang pagbagal ng aking paghinga. Rinig ko na rin ang malalakas ngunit mababagal na pagtibok ng aking puso. Ang mga mata ko ay lumalabo, pero parang umiikot naman ang aking paningin. Pakiramdam ko ay parang nasusuka. Hirap na akong huminga.
Ayaw ko pang mawala. Hindi pa puwede. May ililigtas pa ako, eh. May babalikan pa akong pangkat. Kailangan pa ako ng alpha at luna.
Hindi . . . Tulong.
“Seri!”