The Soldier And I
Book 3
AiTenshi
July 30, 2020
Part 7: Desisyon
"Tweet tweet tweet ang sabi ng pipit! No no no, ayaw na namin ng gusot. One is enough, two is too much, baka pag pangatlo na ay mamatay na kami." ang pag kontra ni Ed. “Saka diba nga may sakit na si Manong Henz edi siya nalang irecruit para mategi siyang isang bayani pa rin! Atleast he won die in vain! O english yon mga besh!”
"Ang dami niyo nang pinag daanang misyon, bakit buhay pa rin kayo? Saka nandito na ako ngayon, bakit kayo kakabahan?" pag yayabang ni Aga.
"Dahil isa kang terorista dati, baka maya maya ikaw yung pinaka kalaban dito no. Kadalasan yung mga ganyan taong rerecruit ang pinaka enemy katulad nung baliw na prinsesang nag recruit sa magic knight! " ang hirit ni Ed sabay inom ng softdrinks. "Saka ikaw agad? Hello mas malakas si Sarge Turalba at si Francis my love! Mas makatas sila, mas maraming sperm ang yagbols nila at matitigas ang muscles nila.. sa titi." ang dagdag pa nito dahilan para sikuhin ko siya. "Puro ka kalokohan diyan e. Hindi kami pumapayag, at hindi niyo kami makukuha sa ganitong usapan lang." tugon ko.
"Hindi ko naman kayo inaapura e. Pag isipan niyo lang, pero hindi pwedeng tumanggi." sagot ni Aga.
"Anong hindi pwedeng tumanggi? May rights kami para tumanggi dahil kami ay mamamayan ng bansang ito na may demokrasya! Ang kalayaang maipahayag ang aking pag ka Pilipino ang mahalaga!" ang mariing sagot ni Ed
"Oh, edi pahayag mo." ang sagot rin ni Aga sabay sandal sa upuan, inilagay ang braso sa batok at nag relax, tumambad sa harap namin ang magandang katawan nito at ang buhok sa kili kili na nag papasexy sa kanyang gwapong mukha. Talagang sinasadya niya iamoy kay Ed ang pawis niya at masilayan nito ang kanyang alindog..
Kumagat labi ito na parang nalilibugan..
"Huwag kang tumingin, halatang inaakit ka lang niya. Gumagamit siya ng ipinag babawal na teknik para ma lure ka." ang bulong ko kay Ed na noon ay sinisinghot ang amoy nito.
"Huwag kang mag alala, hindi ako marupok friend. Iisipin ko nalang na ang mataba at pandak na si Jack ang kaharap ko." ang tugon ni Ed dahilan para makunot noo si Jack.
"Ang init, s**t! Pawis na pawis tuloy ako pare!" ang dagdag pa ni Aga sabay hubad ng kanyang damit. Dito mas tumambad ang kanyang putok na dibdib at abs na sixpack. May buhok pa sa ilalim ng kanyang pusod..
"Labanan mo.." ang bulong ko.
"Hindi ako marupok frend, walang effect sa akin itong gen justu niya!” sagot ni Ed
Maya maya ay namungay ang mata ni Aga, ibinukas niya ang kanyang pantalon at lumabas ang kanyang puting brief na may bakat ng ulo ng kanyang ari, ipinakita rin nito ang bulbol na nakatago sa ibaba ng kanyang pusod!
“Full power na genjutsu! Kaya mo yan Ed! Huwag kang susuko!” ang bulong ko
“Hindi ako marupok friend! Never!!” ang sagot niya sabay punas sa kanyang labi na may kaunting laway habang naka titig sa katawan nito. "Pero pwede pa namang mag bago ang isip namin. Diba frend?"
Para akong kinatukan ng sandok sa ulo. "Hay! Sira ka talaga." ang bulong ko sabay hila sa kanyang tainga.
"Nice! So paano next week ay babalik kami para sa finaleng desisyon niyo. Tandaan, pwedeng pag isipan pero bawal humindi." ang naka ngising wika ni Aga sabay pindot sa kanyang transmitter.
Makalipas ang ilang saglit muling dumating ang helicopter sa aming itaas at saka ito nag laglag ng hagdan. Kapwa sila umakyat dito at nag pasalamat pa sa amin sa masarap na pag kain bago tuluyang maka alis.
"Hindi marupok ha."
"Hindi naman ako na inform na ganoon ka yummy si Agaton. Parang tatagal siyang 20 putok kapag hinarvat!" ang hirit ni Ed. “Saka sobrang kalas na ng genjustu niya pang hokage level na.”
Napakamot nalang ako ng ulo..
"Masaya na ako sa payapang buhay na ito. Sa palagay ko ay hindi ko na kailangan bumalik sa SF unit." ang tugon ko habang naka tingin sa kalangitan.
"Ako rin, dati ay okay lang sa akin yung mga adventure na ganyan, pero ngayon? Parang ayoko na dahil mas naka focus ako sa pag aalaga sa anak ko. Ibang feeling kapag mayroon kang gustong protektahan." ang wika ni Ed.
KINAGABIHAN..
Malalim ang aking iniisip habang nag luluto sa kusina. Hindi ko maunawaan ngunit mayroong bumabagabag sa aking kalooban na hindi ko lubos na maisalarawan. Kinakabahan ako, natatakot, nag aalala, basta halo halo na ito. Kahit libangin ko ang aking sarili ay hindi pa rin ako mapakali. Basta natagpuan ko lang ang aking sarili na naka tayo sa malalaking kwardo ng larawan sa dingding ng aming unit kung saan naroroon ang larawan namin ng mga miyembro sa Special Unit. Lahat kami ay naka ngiti na parang hindi alintana ang mga panganib na naming sinusuong.Mula sa 10 tao sa unang larawan ay bumaba kami ng pito hanggang sa halos iilan nalang ang natira.
May mga ala alang napapangiti ako kapag naiisip ko, mayroon rin namang nakakatakot at nais ko nang kalimutan pero parang isang sumpang bumabalik sa aking pag tulog. Sa huli ay matatagpuan ko nalang ang aking sarili na bumabalikwas sa higaan at iiyak sa takot na parang isang batang paslit.
Tahimik..
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..
Habang nasa ganoong posisyon ako ay siya namang pag bukas ng pinto at dito pumasok si Bryan, na hinuhubad ang kanyang uniporme at saka ibinagsak ang katawan sa sofa. Agad naman akong lumapit sa kanya at tinulungan siyang alis ng sapatos. "Anong ulam?" tanong niya.
"Pochero. Paborito mo." ang sagot ko.
"Ayos kailangan kong kumain ng marami dahil pati utak ko ay gutom rin." tugon niya sabay dukot ng sobre sa bag. "Inilabas ko na yung sweldo ko para maifull mo na itong unit natin. Tapos yung mga damit ni Angelo, yung mga laruan ibili mo ng mga bago. Bayad na rin yung matrikula niya. Kung may bibilin ka kasangkapan dito sa bahay sabihin mo agad sa akin."
"Ako na bahala doon, hindi pa ako nakaka withdraw ng sweldo dahil hindi ako naka alis." ang sagot ko.
Umupo ako sa tabi niya at saka ako humilig sa kanyang balikat. Niyakap naman niya ako at kapwa kami napatingin sa larawan ni Angelo na naka lagay sa isang malaking kwadro sa tabi ng pinto. Pareho kaming tahimik noong mga sandaling iyon. Bagamat kapwa namin alam kung ano ang dahilan. Ayoko lang itong simulan, mainam bukas nalang namin ito pag usapan.
Lumingkis ang kamay ni Bryan sa aking likuran at niyakap ako ng mahigpit. Ako naman ay yumakap rin sa kanyang tiyan at ninamnam ang init ng kanyang katawan. Tumagal kami ng halos ilang minuto sa ganoon posisyon bago kumalam ang kanyang sikmura. "Kain na tayo." ang pag yaya niya.
Ngiti ang aking sinukli at muli siyang hinalikan sa labi..
Alas 10 ng gabi noong makapasok kami sa kwarto, habang abala si Bryan sa pag pupunas ng kanyang basang katawan ay nag aayos naman ng mga kalat sa silid. Tumabi siya sa akin at saka ako muling hinalikan sa labi. "Ayoko nang itanong kung anong iniisip mo dahil batid parehas tayo ng nasa utak." bungad niya.
Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim "kung ano ang desisyon mo ay doon rin ako."
"Pinetisyon tayo ng mga high command s likod ng SF unit. Lahat ay umaasang mag babalik tayo para gampanan ang mahalagang misyon."
"Ang pinaka mahalagang misyon ay ang maging mabuting magulang kay Angelo. Ang maging mabuting mag asawa tayo sa isa't isa."
"Kaya nga nag decide ako na, isa nalang sa atin ang pupunta at ako iyon. Dito ka nalang kay Gelo at alagaan siya."
"Nag desisyon kang mag isa? Para saan pa at naging mag asawa tayo kung mag dedesisyon ka sa sarili mo? Sasabak ka sa iba't ibang misyon sa iba't ibang lugar, samantalang ako ay nandito lang sa bahay at namamatay sa pag aalala? Paano kung hindi kana makabalik? Saan nanaman kitang lupalop hahanapin? Saka pumayag ka ng ganoon kadali? Talaga bang nag hahanap ka ng ikakamatay mo?" tanong ko sabay alis sa kanyang tabi.
"Babe naman, naisip ko lang naman iyon kung papayag ka. Saka hindi pa naman ako nag bibigay na kahit na anong statement na babalik ako o tayo sa SF unit. Kanina habang kinakausap kami ni Francis ay hindi kami kumikibo dahil kontento na kami sa ganitong tahimik na buhay. Katulad mo ay natatakot rin ako kaya't hangga't maaari ay tinatanggihan ko ang alok nila."
"Bakit ba kasi kailangan pa tayo? Bakit hindi sila mag train ng iba. Imposibleng wala mas skilled kaysa sa atin."
"Pag katapos natin maisara ang problema sa Metal Island ay mas lumaki ang tiwala sa akin sa Higher Command. Sila yung organisasyon bumuo sa SF unit na ang miyembro ay mga matataas na ranggo sa sandatahang lakas ng iba't ibang bansa."
"O e, bakit hindi sila ang sumabak?" tanong ko.
"Dahil matatanda na sila at hindi na ganoon kalakas para humawak ng mabibigat na misyon. Ang profile natin sa SF ay impressive at lubos na hinahanggaan ng Higher Command."
"Ang higher command ay mga baliw! At hindi ka mag dedesisyon sa sarili mo lang Bryan." ang inis kong sagot.
Pinatay ko ang ilaw at nilakas ang aircon. Sabay higa sa kama at nag suklob ako ng kumot sa katawan..
Naramdaman kong tumabi sa akin si Bryan at inaamo amo ako, niyakap niya ako ng mahigpit saka pilit na iniharap sa kanya. "Sorry na, hindi naman talaga ako nag desisyon, naisip ko lang naman kung pupwede iyon. Pero dahil ayaw mo ay hindi ko na gagawin. Kayo ni Angelo ang pinaka mahalaga higit sa lahat ng bagay. Kayo ang buhay ko, kayo ang pamilya ko, ang tanging kaligayahan ko kaya't hangga't maaari ay gusto ko kayong maging ligtas. Sorry kung nag iisip ako ng ganoong bagay." ang bulong niya habang nakayakap sa akin.
Nakasubsob ako sa kanyang dibdib. "Natatakot lang ako. Ang pangarap ko lang naman ay mag karoon ng ordinaryong buhay, yung masayang pamilya. Ni minsan ay hindi sumagi sa aking isipan na papasok ako sa ganitong mundo na parang isang masalimuot na sumpang lagi naka sunod sa atin na parang mga anino. Ayoko sanang pag usapan ito ngayon dahil tiyak na hindi nanaman ako makakatulog."
Napabuntong hininga si Bryan. "Bahala na siguro kung ano ang mangyari. Ganito nalang, mag pahinga na tayo dahil bukas ay susunduin natin si Angelo at ililibot natin siya sa mall."
"Buti kung ibigay nina mama at papa yung apo nila."
"Edi isama natin sila, family day naman tuwing araw ng Linggo diba? Sa tingin ko ay may tamang oras para pag isipan at pag usapan ang ganitong topic. Siguro ay sa susunod nalang natin ito problemahin, at batid kong oras na iyon ay wala na ang tensiyon at kaba sa ating mga dibdib."
Noong gabing iyon ay halos hindi ako dinalaw ng antok. Kahit ikalma ko o ipikit ang aking sarili ay patuloy pa rin na tumatakbo at nag iisip ang aking utak. Bumubuo ito ng iba't ibang senaryo na nag bibigay ng ibayong kaba at pag kalito sa akin. Halos biling baligtad ako sa higaan samantalang si Bryan ay tulog na tulog at nag hihilik pa.
Kumakabog pa rin ang aking dibdib. Batid kong sa aking pag iisip na ito ay mabubuksan ang panibagong yugto aming buhay. Ang isang daan nag hihintay na sa dako pa roon, wala nga lang nakaka alam kung saan ito patungo..
Itutuloy..