Part 8: Ang Sumpa ng SF

2775 Words
The Soldier And I Book 3 AiTenshi July 31, 2020   Part 8: Ang Sumpa ng SF Araw ng Linggo, katulad ng napag usapan, alas 8 palang ng umaga ay sinundo na namin si Angelo para ilibot sa mall, syempre ay kasama si mama dahil ayaw na ayaw nitong maiwawaglit sa paningin niya ang kanyang apo. Si papa naman ay hindi sumama dahil wala itong hilig sa mga ganoong bagay, mas gusto pa niya ang mag laro ng pusoy dos kasama ng kanyang mga kaibigan. Parang nag tampo pa nga si mama kanina dahil ang akala niya ay iuuwi na namin si Angelo. "Kawawa naman ang apo ko, parang hindi nakaka tikim ng chocolates, kaya kahapon ibinili namin siya ng marami." wika ni mama. "Ma, hindi talaga namin pinapakain ng chocolate si Gelo dahil baka masira ang ngipin niya." ang paliwanag ko. "Ganoon ba yun? Noong bata ka ay napakatakaw mo sa chocolate at hinayaan lang kitang kumain ng madami para hindi ka nag mumukhang salat sa pag kain. Kawawa naman si Angelo dahil naka tingin lamang siya sa mga kalaro at nang hihingi ng paunti unti sa mga ito. Naiiyak talaga ako kapag naalala ko yung nakita ko kahapon. Ikaw Bryan ha, bakit masyado mo yatang nililimitan ang kaligayahan ng bata?" "Ha? Hindi ako yun Ma, ang totoo noon ay parati kong binibilhan ng toys at mga chocolates iyan, mga candy, cake at mag snacks. Ang masungit at pumipigil parati ay si Adel." ang wika ni Bryan. "Dahil masama sa kalusugan ng bata ang kumain ng junk foods. Bukod sa mag kaka UTI ito ay masisira pang mga ngipin niya." katwiran ko. "Nakita mo na mama? Si Adel lang naman ang mahigpit. Basta kami ni Angelo ay cool lang at walang problema." ang hirit ni Bryan. "Totoo ba iyon apo?" tanong ni mama. "Opo, si papa Adel po masungit at lagi akong pinapagalitan." ang pag susumbong nito. Napa busangot si mama. Humarap ako sa kanya at inalis ang aking sun glasses. "Ma, hindi masamang mag higpit. Para iyon sa ikabubuti niya. Mahirap mag kasakit ngayon. Saka dapat sandali lang ang pag papaligo sa kanya, sabi sa akin ni papa ay kalahating araw iyan na nakababad sa pool." "Kasi kasama niya yung kalaro niya kaya nag eenjoy sila sa paliligo, bakit ko naman puputulin ang kaligayahan ng bata? Saka bakit ba ganyan ang mata mo? Hindi ka ba natulog kagabi? Daig mo pa ang zombie sa itim ng eyebags mo." "Marami lang akong iniisip ma." "Ako nga rin, masyado akong nastress sa mga balita sa TV, puro terorista, mga sakit na nakahawa, mga nakawan ng artifacts sa museum ang headline. Nasaan na ba yung bagong set ng SF unit? Bakit hindi pa sila gumagawa ng aksyon para mabawasan ang ganyang malalaking krimen?" "Ma, paano kapag pinabalik kami sa SF unit?" tanong ko. "O edi sa akin si Angelo at mapproud lalo sa iyo ang papa mo. Pero kung babalik kayo, make sure na last mission na ito ha, hindi na kayo pabata, ienjoy niyo ang buhay ng ligtas at payapa." "Pumapayag ka talaga ma?" tanong ko. "Aba ay hindi ko alam, basta kung ano ang desisyon ninyo ay susuportahan ko. Lalo kana Adel, ikaw ang matigas ang ulo sa mga ganitong bagay. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin yung pag takas patungo sa Cambodia para mag sundalo. Halos mamatay ako sa pag aalala sa iyo, ni hindi ako maka kain ng maayos sa kakaisip kung maayos ka ba." tugon ni mama. "Iba na ngayon ma, dalawa na kami ni Bryan na mag dedesisyon." ang sagot ko. “Saka nasa 30s na kami ni Bry diba dapat ay lumagay na kami sa tahimik?” tanong ko “30s? Diyan palang mag sisimula ang buhay no, feeling mo naman pareho na kayong matanda? Yung iba nga dyan nag wowork at nag kakaroon ng buhay sa edad na 40s. Marahil ay masyado lang kayong napapagod dahil sa mga misyon na inyong pinag daanan pero hindi pwedeng mag retire kayo sa pag ttrabaho ni Bryan sa edad niyo 30 anyos.” ang wika ni mama.   “Ma, ang ibig kong sabihin ay yung pag sabak namin sa SF unit, marami nang mas bata ngayon at mas mura ang katawan sa amin nila Bryan. Sa tingin ko ay mas kailangan nila yung mayroong fresh na kaalaman.” tugon ko.   “Hindi ako sundalo ha, pero kung ako ang tatanungin, sa propesyon niyo sa SF unit, hindi dapat mag pasok ng mga bata magugulo na walang alam. Kayo ang kailangan nila dahil skilled na kayo at mayroon na kayong proper training sa pag handle ng mga misyon! At iyon ang reason kaya hanggang ngayon ay hinahabol kayo ni Bryan. Ang mga warrior ay mas lalo pang lumalakas habang nag kaka edad. Humina lamang sila pag talagang matanda na at hindi na kailangan lumaban.” Paliwanag ni mama.   Alas 10 ng umaga noong makarating kami sa mall, nakatanggap rin ako ng tawag kay Ed na papunta rin sila ng kanyang anak na si Quinn. Masayang masaya si Angelo habang nakatambay kami sa arcade. Ang kanyang ngiti noong mga oras na iyon ay hinding hindi mapapantayan ng kahit na anong bagay. Hawak ko naman ang aking cellphone at shot lang ako ng shot ng magagandang moments para maipadevelop ito mailagay aking photo album collection. Habang nag lalaro si Angelo ay napadako naman kami ni Bryan sa harap ng videoke dahilan para kantiyawan niya ako. "Kantahan mo naman ako babe." ang bulong niya. "Hindi ako marunong kumanta." "Ha? Paanong mangyayari iyon e gabi gabi ka naman nag ppractice gamit yung mic ko." ang pilyong wika niya. "Loko, sige na nga, baka sabihin mo wala akong talent." ang tugon ko sabay kuha ng mic at nag enter ako ng kanta dito. MUSIC PLAYING Superman Five for Fighting   I can't stand to fly I'm not that naive I'm just out to find The better part of me   I'm more than a bird, I'm more than a plane I'm more than some pretty face beside a train And it's not easy to be me   I wish that I could cry Fall upon my knees Find a way to lie About a home I'll never see   It may sound absurd, but don't be naive Even heroes have the right to bleed I may be disturbed, but won't you concede Even heroes have the right to dream And it's not easy to be me   Hindi ganoon kaganda ang boses ko pero nasa tono naman ito. Habang umaawit ay nakatingin lang si Bryan sa akin at naka ngiti na hindi ko malaman kung kinikilig o kung anu man basta sumasabay siya sa akin at paminsan minsan ay inililingkis ang kanyang kamay sa aking likuran. Hindi tuloy maiwasang pag tinginan kami ng mga babaeng estudyante sa paligid na wari'y pati sila ay kinikilig rin sa aming ginagawa. Lumapit rin sa akin si Angelo at nanood sa aking pag awit. Tuwang tuwa ito na makitang masaya kami ng kanyang ama. Ako naman ay naka ngiti lang at patuloy na nag eenjoy sa aking ginagawang pag harana sa kanilang mag ama. Up, up and away, away from me Well, it's all right, you can all sleep sound tonight I'm not crazy or anything   I can't stand to fly I'm not that naive Men weren't meant to ride With clouds between their knees   Matapos ang aking pag awit ay nag tungo naman kami sa kainan. Iyon rin ang saktong pag dating ni Ed kaya naman agad ko siyang tinawagan upang sumabay sa amin mag lunch. "Ang laki laki na ng baby mo Ed. Talagang kinareer mo na ang pagiging isang ama."ang bungad ni mama noong pumasok si Ed sa kainan buhat ang kanyang anak. "Siyempe naman po tita, mag hapon at mag damag ito sa loob ng aircon para pumuti siya ng husto. Mag aartista si Quinn pag laki niya ay sasali siya sa Miss Universe Philippines! Kung hindi naman siya palarin doon ay mayroon pang Binibining Pilipinas, Miss World at Miss Earth. Marami pa siyang options!" ang sagot ni Ed sabay alis rin ng kanyang shades. "Aba't talagang iniukit mo na pala ang tadhana para sa anak mo, bakit parang hindi ka rin natulog? Mugto pa iyang mata mo. Umiyak ka ba mag damag? Para kang si Adel, don’t tell me minumulto ka rin ng nakaraan?" tanong ni mama "Hindi nga po ako nakatulog tita. Tulad ng sinasabi nila "its a long story." ang tugon ni Ed sabay hikab sa aming harapan. "Mag kaibigan nga kayo ni Adel, pareho kayong nag daramdam sa mga simpleng bagay." natatawang tugon ni mama. “Ma seryosong bagay ito. kaya nga tingnan mo si Ed, halos kamukha na siya ni Bangkay sa sobrang stress.” ang sagot ko.   Tawanan kami,,   "Nga pala, ikakasal ang kaibigan ko next month, inilagay kong ring bearer si Angelo at flower girl naman si Quinn. Diba ang cute nilang dalawa kapag lumakad sila ng mag kasama.”  ang excited na wika ni mama “Naalala ko nung bata ako, isa ako sa pinak cute kapag may ikinakasal, gustong gusto kong lumalakad habang hawak ang basket at nag sasabog ng petals sa aisle." Hirit naman ni Ed. Habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla kaming nahinto ng pag sasalita. Si Bryan ay natigil sa pag nguya. "Bakit? Anong mayroon sa ganyang mukha? Kasi yung mga ganyang tingin parang may mangyayaring hindi maganda." tanong ni Ed. Tumayo si Bryan at sinilip ang ilalim ng mga lamesa. "Wala dito." ang wika niya. Wala itong paki alam kahit pinag titinginan siya ng ibang kumakain. “Wala rin sa kabila, sandali tingnan niyo yung ilalim ng bangko ninyo.” utos niya "Amoy polbura, amoy ammonium nitrate na hindi ko maunawaan. Ang mabuti pa ay umalis na tayo dito,  mayroong hindi magandang pakiramdam e, parang may mangyayaring masama, kanina ko pa ito nakukutuban hindi ko lang magawang sabihin sa inyo.” ang bulong ko para hindi mag panic ang mga taong makaka rinig. "Wag nga kayo, manakot. Mag papanic ang mga tao kapag sinabi niyo iyan. Mag kakaroon ng stampede at mapapahamak tayong lahat. Hayaan niyong ako ang mag sabi sa kanila." wika ni Ed. “Naku wag na, at baka kung ano ano pang sabihin mo lalo pang mag kagulo.” ang bulong ko naman. “Okay chill lang tayo.” ang wika ni Ed sabay buhat sa kanyang anak. "Lalabas tayo ng tahimik, walang gulo at payapa okay?"   Habang nasa ganoong pag kilos kami ay biglang tumayo si Bryan sa lamesa. "Ako si Sergeant Bryan Turalba Jr. Ang lugar na ito ay kontaminado ng kakaibang amoy ng pulbara, marahil ay hindi ito naaamoy ng ordinaryong ilong pero para sa amin na miyembro ng Special Unit ay madali namin itong madedetect kaya makabubuti kung lumabas tayo ng kainan ng payapa at huwag mag kagulo.. Mag ingat kayo sa pag hakbang dahil tiyak na nasa paligid lang ang….” Biglang nag liwanag sa kabilang paligid at biglang.. "BOOOOMMMMMM!!!" Isang malakas na impact ng pag sabog! Halos nabingin kami at nayanig ng husto ang aming mga katawan. Sa lakas ng pwersa ay nakita kong tumilapon ang katawan ni Bryan pero agad rin itong naka bangon. Umusok sa paligid! Nag kagulo ng husto na parang isang senaryo sa tragic movie!   Isang pag sabog pa, malakas ito dahilan para yumanig at magiba ang buong kainan! Agad nag tatakbo si Bryan sa amin para alalayan kami, ako naman ay kinuha ko si Quinn at si mama na noon ay yakap si Angelo. Agad ko silang hila sa isang lagusan palabas sa mall na naka awang dulot ng pag kasira ng mga pader. Walang ibang lagusang matino dahil nag karoon na ng tiyak na stampede sa mga entrance at exit nito   Nag kagulo ang mga tao, lahat ay takot na takot at nag aapura para makalabas. Isa pang sabog ang naganap sa likuran ng mall at sa katabing gusali nito kaya mas lalo pang nayanig at nawindang ang buong paligid. Halos pinag kasya namin nila mama ang aming sarili sa isang maliit na lagusan sa gilid para alis lang at ligtas na makalabas. Nag sunod sunod na ang pag yanig.. "Okay lang ba kayo?" tanong ni Bryan sa amin. "May sugat sina Angelo at Quinn! Dalhin natin sila sa ospital ngayon naaaa!" ang nag papanic na sigaw ni mama at maya maya ay hinamatay ito dahil may tama rin sa kanyang ulo. Si Ed naman ay natulig ang pandinig at halos hilo pa ito habang naka salampak sa lupa. Iyak ng iyak ng dalawang bata, parehong may sugat sa braso at mga hita. Agad na nag tatakbo si Bryan para kuhanin ang aming sasakyan pero sinabugan rin ito. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang tumawag kay Francis at manghingi ng tulong. Samantalang ako naman ay tumawag kay papa para ipaalam ang nangyari bagamat tiyak kong kalat na kalat sa news ang kaganapang ito sa dami ng media na sumugod sa buong paligid. Sa gitna ng pag kakagulo ay dumating ang sasakyan ni Francis na animo kidlat sa bilis. Agad kaming sumakay dito para dalhin sa ospital si mama at ang dalawang batang patuloy pa rin sa pag iyak. "Ano bang nangyayari?" natatarantang tanong ni Ed habang yakap ang anak. “Grabe, nabingi na yata yung kanang tainga ko, puro ugong nalang ang naririnig ko!” "Talamak ang terorismo sa siyudad at hanggang ngayon ay hindi pa nattrace ang gumagawa nito. Kahit sa kabilang siyudad ay may pinasabog rin ngayong mga oras na ito." ang sagot ni Francis habang mabilis na nag ddrive. "After 5 years ng mapayapang pamumuhay natin dito sa siyudad, biglang may ganito? Nasaan na yung mga huhuli sa terorista? Bakit wala silang ginagawang aksyon?" tanong ni Ed na halos maloka loka na sa kanyang kinauupuan. "Wala silang ginagawang aksyon dahil nandito tayo. Tayo ang kailangan ng SF para matigil ang lahat ng ito." sagot ni Francis. "Oh my Gewd! Don’t tell me nag desisyon ka nang bumalik sa SF? Bakit hindi mo sa akin sinasabi? Bakit nag dedesisyon ka ng wala ako? Anong klaseng asawa kaa?! Anong klaseng lalaki ka?!" ang sigaw ni Ed. "Excuse me, hindi kayo mag asawa, saka wag ka ngang sumigaw lalong umiiyak yung mga bata ang akala nila ay isang halimaw na nag wawala dito loob ng sasakyan." ang pag suway ko na tuliro rin. "I'll get back to you on that, Francis" ang seryosong sagot ni Ed. Napakamot nalang si Francis ng ulo at saka iniliko ang sasakyan sa emergency room. BREAKING NEWS: Halos nag kakagulo rin sa mga ospital dahil sa dami ng mga pasyenteng isinusugod dito matapos umano ang insidenteng pag sabog sa sentro. Tinatayang nasa 186 na tao ang sugatan at 56 ang namatay sa iba't ibang lugar na pinangyarihan ng pag sabog. Ang ilan naman ay tamo lamang ng minor injuries katulad ng gasgas at pananakit ng lalamunan dahil sa sobrang pag sigaw. Samantalang takot naman ang namayani sa bawat negosyanteng may ari ng malalaking gusali dahil sa pangambang baka ang negosyo na nila ang susunod na pasabugin ng mga teroristang grupo. Kaya naman ngayon palang ay mas pinaigting na nila ang seguridad para maprotektahan ang kanilang mga pundar na negosyo. "Hi ateng, anong masasabi mo sa sunod sunod na trahedyang gaganap sa siyudad?" "Live to diba? Wala kasi akong internet ngayon. Kung napapanood niyo ako mayroon akong new product dito size 28 na tattered pants. Mag mine lang kayo ha. Ok ang code ay 132, pwede na, unahan mine!!” "Ay grabe naman tong si ateng ginawang online selling ang report news. Doon kana nga ate, baka masampal lang kita ng padakot!." At iyan po ang mga nag babagang balita sa mga oras na ito. Ako po si Pening Gersia, ang ultimate groundbreaking reporter ng pinilakang tabing! Nag uulat!" End of Report "Alam niyo kung anong nangyayari dito? Eto yung sumpa ng SF unit! Ngayon palang ay isinusumpa na tayo! Napapansin ko iyan e, laging may kamalasang nagaganap kapag pinapabalik tayo sa task force!" ang wika ko na hindi maitago ang pag aalala "Oo nga, sabi na nga ba e may sumpang magaganap! Pati tuloy yung dalawang bata nadamay pa." sagot ni Ed na hindi maitago ang pag aalala, tinaktak niya ang ulo at dito ay lumabas na bato sa kanyang tainga. “Tang ina, kaya naman pala wala akong marinig e! May tutuli pala sa tainga ko.” “Ewww!” ang sagot ko.   "Huwag na kayo mag alala, maayos na daw sina Angelo at Quinn, si mama ay tinahi na ang ulo dahil tinamaan ito ng piraso ng pader na nawasak. Iniscan na rin ang ulo niya at wala namang nakitang kakaiba dito. Ligtas na sila." ang wika ni Bryan. Napaupo ako at natigtig nalang sa sahig. "Bakit pati sila mama at sila Angelo ay kailangan pang madamay sa ganito?" "Aksidente ang nangyari, talamak ang terorismo dito sa bansa at nadamay lang kayo. Ang kailangan ay masigurado tayo na magiging ligtas ang pamilya natin dahil sila ang pinaka mahalaga sa lahat ng bagay." tugon ni Francis "Ito yung sumpa ng Special Task Force na hindi natin matatakasan." ang bulong ko sa aking sarili habang nakatanaw kay Angelo na noon ay natutulog habang nilalagyan ng gamot ang kanyang mga sugat. Hindi ko maunawaan ngunit sa kada sulyap ko sa kanya ay kumikirot ang aking puso na wari'y pati ako ay nadudurog rin ng paunti unti. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD