The Soldier And I Book 3 AiTenshi Part 34: Antidote "Nawawala na sarili si Emilio!" ang sigaw ni Agaton sabay iwas noong lundagin siya nito. “Tila ba habang tumatagal ay nabubuang si Ed at hindi na niya nacocontrol ang kanyang lakas!” Maya maya binato siya ni Bryan para makalayo kay Agaton na noon ay hindi na makatayo sa matinding pinsala ng binti. "Hoy Emilio dito! Tangina halimaw na halimaw ka ahhh!" Humarap sa amin sa Ed na tumutulo laway, kumuha ito ng isang bangkay at ginawang pang hampas upang makaraan siya ng mga sumalubong sa kanya. Maya maya nag tatakbo siya patungo sa amin, binuhat niya ang isang malaking tipak ng pader at ibinalibag sa aming kinalalagyan. Sa sobrang pag kagulat ay halos hilahin ko na si Bryan para maka iwas sa nag aamok na si Ed. Tumagal pa ng ilang minut