The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 14, 2020 Part 33: Ang Halimaw na si Ed ADEL POV "Adel! Anong nangyari sayo? Salamat at ligtas ka. Sorry kung wala akong nagawa para puntahan ka, naipit rin kami sa gusot dito, sobrang na alala ako sa iyo." ang wika ni Bryan noong lapitan niya ako, bakas na bakas sa kanyang mukha ang labis na pag aalala. Samantalang mas marami pa siyang sugat na tinamo kaysa sa akin, iika ika pa ito at hindi makahakbang ng maayos dahil sa paso sa kanyang hita. "Ayos lang ako, napakarami mong sugat, pati rito sa likuran mo, saan ka ba nag suot?." ang bulong ko habang pinapahiran ang dugo sa kanyang pisngi. “Sorry naging careless kasi ako lalo’t gusto na makaalis dito para puntahan ka, eto ang ending ay nasugatan ako ng husto.” ang sagot ni Bryan “Kanina pa naba