The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 13, 2020 Part 32: Reptilian BRYAN POV Ibayong init ang lumukob sa buong silid. Sa kada pag tulo ng asido sa sahig ay nalulusaw ito kaya't wala kaming nagawa kundi ang dumistansiya. Maaaring ang lumalabas na likido sa kanyang katawan ay isang uri ng asido na humahalo sa laway at sa kanyang pawis. Ang aking paningin ay hindi ko inaalis, naka tuon lang aking atensiyon sa kanya at pilit binabasa ang kanyang magiging kilos. Mabilis sa pag kilos ang halimaw, para itong isang mutant na napapanood ko sa palabas na Xmen. Palundag lundag sa kisame, sa gilid ng pader at mga ibabaw ng lamesa. At ang unang atake ay nag mula mismo sa kanya, humaba ang kanyang dila at humampas ito sa sahig. Tumilamsik ang kanyag mga laway na naging sanhi ng pag usok ng paligi