The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 11, 2020 Part 26: PVZ "Dahil naamoy nila kayo. Diba sabi ko nga, may espesyal sa kanila na mas nangingibabaw ang sensory ng pang amoy kaysa sa pandinig. Which is mas mahirap iyon. Ang ingay ay maaaring pigilin pero ang amoy natin sa kanilang ilang ay imposible. Kaya't nandito sila at ilang minuto masisira ang tangkahan at papasok sila sa bakuran." sagot ni Ronie. "Kung ganoon ay wala taong magagawa kundi lumaban. Tamang tama maluwang ang bakuran niyo. Magiging magandang laban to." ang naka ngising wika ni Jack sabay labas ng maliit na butil ng bakal na animo mo buto.. "Ano iyan?" tanong ni Ed "Kailangan ko ang husay mo ngayon Ed." ang sagot ni Jack habang nakaharap sa kanya ng tuwid. "Ako talaga? Gusto mo ba talaga akong mamatay?" ang inis na