The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 11, 2020 Part 27: Pangamba "Inuulit ko, ang ating misyon ngayon ay isalba ang mga survivors, kahit ilan basta mayroon tayong masave! Pag katapos ay ihahanda natin ang isla para pasabugin. Kinontact ko na ang back up units na mag sasakay sa mga survivors. Anumang oras ay nandito na sila. Mag ingat tayong lahat at patnubayan tayo ng Panginoon. Soldier Salute!" ang malakas na salita ni Agaton. Tumayo kami sa kanyang harapan at saka sumaludo. "Marunong kang gumamit ng baril?" Tanong ko kay Ronie "Medyo." sagot niya "Eto, mayroon iyang espesyal na bullet. Matuto kang ipag tanggol ang iyong sarili." ang wika ko sabay abot sa kanyang ng sandata. Alas 8 ng umaga noong kami mag assemble, hindi pa rin mawala ang kaba sa aming mga dibdib, batid namin n