The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 1, 2020 Part 10: Balik Loob Report: Samantala tatlong mag kakahiwalay na pananambang ang naganap kagabi pasadong alas 11 ng gabi. Ang unang pag atake ay naganap sa tahanan ni Mr. Dela Rosa, ang retired commander ang Philippine Task Force, pinasabog ang bahay ni Dela Rosa at dalawang sa kanyang kasambahay ang nasa kritikal na kondisyon. Ang ikalawang insidente naman ay naganap sa Neptune Tower matapos pag babarilin at pasabugin ang unit ng dating miyembro ng SF unit na sina Sergeant Bryan Turalba Jr at Allandel Dela Rosa. At ang ikatlong pag atake ay mismong bahay naman ni Emilio Diego na isa ring member ng SF unit. Ayon sa mga otoridad, lumabas na ang mga dating miyembro ng SF unit ang target ng mga ito. Marahil ay nangangamba daw di umano na bum