Part 11: Mutant

2158 Words

The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 2, 2020 Part 11: Mutant "Anong ginawa mo sa amin? Gago ka Agaton!" ang salita ni Bryan, kahit nanginginig ang tuhod nito ay nakatayo pa rin siya at sinugod si Aga na naka upo lang sa silya at pinapanood kami. Kung ako ay halos hirap na hirap na, siya naman ay nagawa pang makalakad, ganoon kalakas ang resistensiya ni Bryan. "Ano ka ba pare, chillax lang. Hindi ko  kayo papatayin. Papasalamatan niyo pa ako pag katapos nito." ang naka ngising wika niya habang pinapanood kami sa ganong kalagayan. Samantalang ako naman ay nakatirik lang ang mata sa kisame at dito ay nakita ko sina mama at papa na hawak hawak ako habang ako na sanggol pa lamang at itinataas sa ere habang umiihip ang malamig na hangin sa luntiang bukirin. Nag bago ang eksena at nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD