The Soldier And I Book 3 AiTenshi Part 12: Misteryosong taga Paslang BREAKING NEWS: Natagpuang patay ang tatlong negosyante sa 3rd floor na Crescent Hotel kagabi pasadong ala 1 ng umaga. Ang mga ito ay kinilalang si Marco Padua 45 taong, Bui Yap 35 taong gulang at si Hazufia Gulgozari na 47 taong gulang. Ang mga biktima ay binaril umano sa loob mismo ng function area kung saan nag diriwang ng kaarawan ang si Bui Yap na isa rin na napaslang. Ang mga biktima ay tama ng baril sa gitna ng noo gamit ang maliit na bullet na tumagos sa kanilang mga ulo. Hindi pa malaman ng mga otoridad kung saan galing ang bala maliban sa pag tagos nito sa maliit na bintana ng silid. Maaaring bumitin daw ang bumaril sa labas ng bintana at doon niya isinakatuparan ang paslang. Samantala, inilabas ng Special