The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 3, 2020 Part 13: Opisyal na Misyon "Hindi na nilabas sa media ang tungkol sa misteryosong taga paslang dahil si Adel iyon at alangan namang pag kaguluhan siyang media diba? Paano natin ipapaliwanag na kinatay ni Adel iyong mga target sa malayong direksyon? Mainam pang silent nalang tayo para walang problema." ang wika ni Ed noong muling ibalita ang tungkol kay misteryosong taong pumaslang kina Gulgozari at sa iba pa. "Kaya nga mas makabubuti kung tahimik nalang tayo. Ang SF unit ay hindi mag bibigay ng kahit na anong komento tungkol doon. Lalo’t ang pag lalagay ng enhancement sa ating mga katawan ay isang top secret! Kung kakalat ito ay baka inisip nila na tayo ay nag ddrugs o ginagawang kakaibang mutant ang ating mga katawan." ang wika ni Agaton