The Soldier And I Book 3 AiTenshi Part 14: Bloody Moon Island Pag angat ng bagong araw ay naka assemble na kami patungo sa paliparan ng SF unit. Suot namin ang mag kakamukhang suit na inupgrade nina Jack at Agaton. Komportable naman itong isuot na pakagaan pa na parang wala kaming suot na saplot. Sa aking likuran ay naka sabit ang sniper rifle at habang naka tanaw ako sa kalayuan ay kumakabog ang aking dibdib. Habang nasa ganoong posisyon ay nag balik sa aking isipan ang lahat ng mga mabibigat na misyon na aming pinag daanan mula sa napaka gulong mundo sa Syria kung saan bawat paligid ay bigla nalang sumasabog, ang lahat rebelde pati ang sibilyan ay mapanganib rin. Ang misyon na Heat Island kung saan ultimo pinaka maliit na organismo ay isang makinang pampasabog. Ang lahat ng hayop sa