The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 4, 2020 Part 15: Bekimpira "Maayos ang pamumuhay namin noon, ang lahat ay masaya, payapa at nag kakaisa. Hanggang sa dumating ang lupon ng mga lalaking putla ang katawan at mapupula ang mata. Ang akala namin ay mga torista sila na namamasyal sa aming isla. Magagalang pa sila at parating naka ngiti kaya maayos namin silang pinakitunguhan hanggang sa pag sapit ng dilim. Habang payapang natutulog ang lahat sa baryo ay isang sigaw ang aming narinig mula sa kabilang bahay. Dito na nag simulang sumalakay ang mga lalaking putla, ang lahat ay may pangil at parang mga hayop na sumusuwag at nangangat. Sa isang gabi palang ay halos nasa 15 taga baryo na ang napaslang nila, ang lahat ay wakwak ang katawan partikular sa kanilang mga leeg. Sa isang iglap a