The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 7, 2020 Part 19: Odlid "Hindi ko na kaya to! Ibang level na to! Nakakaloka pang Neflix na to!" ang sigaw ni Ed habang tumatakbo kami papasok ng simbahan. Nadapa pa ito at nasubsob sa sahig habang nag aapura sa matiding takot. "Bilisan niyo! Iharang niyo ang mga silya sa mga butas at isara ninyo ang tarangkahan!" ang sigaw ni Agaton na hindi maiwasan ang pag kataranta lalo’t ang mga kalaban ay mas lalo pang lumala kaysa kanina. Agad naming binuhat ni Bryan ang isang malaking lamesa at pinakat ito sa nabutas na parte ng simbahan. Sina Francis naman ay nilalagyan ng kadena ang tarangkahan papasok sa bulwagan. "Natatakot na ko! Hindi talaga pang SF ang ganitong misyon! Help! Narding!!!" ang wika ni Ed habang naka siksik sa ilalim ng mga upuan. "Dit