The Soldier And I Book 3 Aug 7, 2020 Part 18: Ganti ng Api "Hindi kayo mga ordinaryong tao! Anong kulto ang sinalihan niyo? Siguro ikaw ang pinuno nila!" ang sigaw ni Alaric sabay turo kay Ed na hindi maitago ang galit. “Ikaw ang pinuno nila at hindi mo ito maaaring itanggi!” "Hala, bakit ako? Nakita mo naman na napaka helpless at napaka fragile ng beauty ko habang sinasakal mo ko kanina diba? Para akong isang cute na kuting na sinasaktan ng kanyang lasing na amo. So bakit ako?" tanong ni Ed na may halong pag tataka. "Dahil swanget ka at ramdam kong itinatago mo lang ang powers mo! Ganyan ang datingan ng mga bigboss! Nag tatago sa mahihinang katawan! Ilabas mo ang powers mo!!" sigaw ni Alaric. "Tang ina ka! Hindi ako swanget! Gusto mo pasabugin ko iyang ulo mo? Nasaan ang odlid? Ila