The Soldier And I Book 3 AiTenshi Aug 6, 2020 Part 17: Alaric "Ano namang kalokohan niyan? Carmilla ka teh?" tanong ni Ed. "Ano ang ginagawa niyo dito sa aming munting kaharian?" tanong nito sabay harap sa akin. "Ikinagagalak kitang makilala ginoong Sniper." ang bati pa niya. "Munting kaharian? Gaga simbahan iyan! Mabuti pa isauli mo na iyang batang hawak mo bago ka kita gilitan ng leeg!" ang sigaw ni Ed na hindi maitago ang pag aalala sa batang hawak, pati ako ay parang natakot sa hindi malamang dahilan. "Afraid..." ang wika ng kalaban. "Ako si Alaric, ang nag gawad ng walang kapantay na kapangyarihan sa mga pusong sugatan ng aking mga kasamahan. At ngayon na ang oras ng aming pag bangon! Wala ni isa sa inyo ang maaaring humadlang sa amin! Kami ang pinaka bagong henerasyon ng mga