Mavis Nhea's P. O. V. Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay nanghihina ang mga tuhod ko, sa harap ng madaming tao. Nakikita ko ang lalakeng minamahal at nananakit sa akin. Nakakapagtaka lang, ang kagaya ni Ardel alam kong hindi mag-aaksaya ng panahon na pumunta sa ganitong klaseng lugar. "Happy birthday." Napakurap ako ng ilang beses. Tila ba isa lamang itong panaginip. Ito ang unang beses na babatiin ako ng taong mahal ko. Si Ardel, na nakatayo sa harapan ko ngayon at ini-aabot ang hawak niyang rosas. "S-Salamat..." nahihiya kong sambit at kinuha iyon. Napatingin ako sa DJ nang nag-iba ang tugtog sa speaker. Nakita ko sina Hermosa na nakatayo sa gilid ng stage at kinukuhanan ako ng litrato. Nakaramdam ako ng hiya. Bumabalik ang dati kong kaba. "May I have your last dan