Mavis Nhea's P. O. V. "M-Mavis?" Tila ba gulat na gulat si Ardel nang makita ako. Nabitawan niya ang hawak niyang lighter at agad na napatayo. Kita ko ang pamumula ng mga mata niya na mukhang umiyak ito. "H-Hindi ko alam na dito pala yung puntod ng Papa mo?" ani ko at tinignan ang lapida. Napaawang ang labi ko nang makita ang litrato ng isang lalake. Kamukhang-kamukha ito ni Ardel. Hindi ako pwedeng magkamali. Iyon ang ama ni Ardel. "Yes. Anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ba ako?" aniya. Napataas ang kilay ko. Ang kapal naman niya para isipin 'yon. Porket sinayaw niya ako noong birthday ko. "Hindi, ah! Bakit naman kita susundan?" ani ko at umirap. "I don't know, because you like me?" Nanlaki ang mga mata ko. Mayabang talaga 'tong si Ardel porket gwapo siya, akala niya ba hindi n