Mavis Nhea's P. O. V. Pagod akong natapos ang araw. Hindi ko akalain na ganito pala kahirap ang ginagawa ng mga cheer leaders. Basic steps pa lang magiging flexible ka na. Kumuha ako ng bottled water sa cafeteria at naglabas ng wallet. Napaawang ang labi ko nang makitang wala na pala akong cash. Tinignan ko ang coins ko, mabuti at nagkasya pambayad sa tubig. "Ayan ka na naman, puro ka soft drinks!" Narinig ko ang pagsermon ni Bella kay Althea. "Once in a week lang naman," ani Althea. "Baka once in a day," inis na sabi ni Bella. Pumili rin sila ng maiinom. Habang umiinom ako ng tubig ay nilapitan ako ni Hermosa. "Kamusta ang first day para sa beginner?" tanong niya. "Gusto ko nang mag-back out," ani ko at ngumiti ng nakakailang. Tumawa si Bella at inakbayan ako. "Ganiyan din ako n