Ardel Jake's P. O. V. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Mavis. Niyakap ko pa ito ng mas mahigpit. Napatingin ako sa mga mata niyang nakapikit. Tumingin ako sa aking likuran at nakita kong may pulis na rumesponde para hulihin ang lalakeng nagtangka sa buhay ni Mavis. "Sir, she's the victim? Kailangan niya sumama sa presinto para magbigay ng statement," ani ng isang Pulis habang papalapit sa akin. Tumingin ako kay Mavis. Nakapikit pa rin ito. Imposibleng hindi niya narinig ang sinabi ng pulisya. Agad akong umiling sa Pulis. "Not now, she's in shocked, as you can see." "Ikukulong namin siya, dahil huli siya sa akto." Napatango ako. Bigla namang gumalaw si Mavis. Napabitaw ako sa yakap ko sa kaniya nang dahan-dahan siyang tumayo. "O-Okay na ako. H-Hindi ba pwedeng dito ko na lang