Mavis Nhea's P. O. V. Nagising ako dahil sa ingay ng mga tao sa paligid. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nakita kong nakatayo na ang mga kaklase namin at dala na ang mga gamit nila. Nataranta naman ako dahil mukhang narito na kami. Napagtanto kong nakatulog ako sa balikat ni Marko. "Marko---" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ardel. Ngumiti siya ng tipid. Bakit naging si Ardel ang katabi ko!? Nakatulog ako sa balikat niya!? Paano!? "How's your sleep?" tanong niya. Napaawang ang labi ko sa kahihiyan. Samantalang siya ay mukhang masaya pa sa nangyare. Tila ba lahat ng dugo ko ay napunta na sa ulo ko. "Gising ka na pala, Mavis. Sarap ba ng tulog mo?" Napatingin ako kay Marko na katabi ngayon ni Yumi. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero imbis na matakot ay tumawa pa