Mavis Nhea's P. O. V. Napaatras ako nang makitang handa nang sindihan ng isang captain mula sa ibang team ang mga fireworks na nakalagay sa harapan ng bonfire. Tuwang-tuwa ang mga kaklase ko habang ako ay napaatras dahil baka maputukan pa ako. "Mavis, may fireworks!" ani Francheska. Napangiti ako. "Oo, ang galing nga, may pa-fireworks pa sila," ani ko. "Oh? Bakit ka umaatras, ayaw mo ba sa fireworks?" tanong ni Francheska. "Usog tayo dito, sisindihan kasi nila 'yan," ani ko. Hindi sumama sa akin si Francheska bagkus ay nakihalubilo sa mga students na nasa harapan ng bonfire. "Aalisin natin lahat ng sakit o lungkot na dala-dala niyo dito. Dapat, uuwi kayong masaya at nag-enjoy!" sigaw ng isang captain. Lahat sila ay sumigaw sa tuwa, halos mabingi naman ako sa lakas ng sigaw nila ka