Mavis Nhea's P. O. V. Lahat ay nagulat sa sinigaw ni Ardel. Sobrang tahimik ng paligid at lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa amin. Napatayo ako sa kaba at tumingin sa paligid ko, nadako ang tingin ko kay Gale na nasa dulo ng cafeteria, pinagpatuloy niya ang pagkain at ngumisi sa akin. "Gosh, you just revealed your secret, Ardel." Umirap si Althea. "Nag-iisip ka ba, Ardel? Why did you shout that? Face the consequences." Tumayo si Hermosa. Napalunok ako ng ilang beses. Binitawan ni Kristoff ang kamay ko at yumuko. "H-Hindi ko alam na may fiance ka na pala," aniya. Napaawang ang labi ko. Hindi ko kaya i-deny, sa kaniya mismo nang galing ang tunay na relasyon naming dalawa. "Walang pwedeng manligaw sa fiance ko!" sigaw ni Ardel at tumakbo papunta sa akin. Nagsimulang magbulong-bulun