Mavis Nhea's P. O. V. Ilang araw ang lumipas. Wala kaming practice ngayong araw ng cheer dance kaya nasa loob ako ng classroom. Nakikinig ako sa teacher ko pero hindi pumapasok sa utak ko ang sinasabi niya, ginugulo ng isip ko kung paano ko ibibigay kay Ardel ang regalo ko sa kaniya. Napabuntong hininga ako. "Ms. Mavis?" Nagulat ako nang tawagin ako ni Ma'am. Sumenyas siya na tumayo ako kaya sumunod ako sa kaniya. Tumingin lahat ng kaklase ko sa akin. "Y-Yes po?" "What are the three point of view?" tanong niya. "First, second and third po, Ma'am." Tumango si Ma'am. Naupo ako, kinuha ko ang notebook ko para mukha akong nag-aaral. Sinilip ko ang bag ko at naroon ang box ng relo na binili ko kahapon. Baka kasi kapag binigay ko sa kaniya ang regalo ko, isipin niyang sinasagot ko na si