Mavis Nhea's P. O. V. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayong nakikita kong kumakain na si Ardel. Nakasandal ako sa pader habang naka-indian seat ako. Si Ardel naman ay nakaharap sa akin habang kumakain ng binili kong kanin, chicken, burger at soft drinks. "By the way, Mavis. How did you know na nandito ako?" tanong niya. "Sabi ni Kenneth hindi ka pumasok, so pinuntahan kita sa inyo. Sabi naman ni Manang, umalis ka ng umaga at naka-uniform. Inakala namin na nandito ka, tutal dito lang naman ang punta mo palagi. Sabi rin ni Kenneth sinuntok mo siya kaya 'wag kita puntahan." Ngumisi si Ardel. Binaba niya ang paper tupperware na walang laman. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Thank you, ikaw lang ang nakapagpagaan ng loob ko. I knew it, we're meant for each other." "Hindi kita matiis, mas