Mavis Nhea's P. O. V. Maaga akong pumasok para magtungo sa library. Kailangan ko ng dictionary para sa subject namin sa English. Nahuhuli na kasi ako sa gawain since mayroon kaming practice sa cheer dance. Habang nagsusulat ako sa notebook ko. Nakaupo ako sa mahabang lamesa dito sa likuran ng library. Naramdaman kong may lalakeng umupo sa tabi ko, una ko agad na naisip ay si Ardel, ngunit nang lingunin ko ito ay ibang tao ang nakita ko. It was David. "Akalain mo 'yon? Ardel really fell in love with you?" aniya at mahinang tumawa. "Kung nandito ka para manggulo, umalis ka na," pabulong kong sabi dahil bawal ang maingay dito. Muli akong nagsulat pero naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Kaunti na lang ang pagitan namin, para bang nang-aasar siya. Nagagawa niya pang ngumiti. "Ano ba