Mavis Nhea's P. O. V. Kinilala kami bilang best love team o couple sa school, hindi lang estudyante ang sumusuporta kundi pati ang aming mga guro. Palagi ko naririnig ang pambubuyo nila sa amin tuwing magkasama kami ni Ardel. "Class president, paki-collect yung mga activity sheet. Class dismissed na, mag-lunch na kayo," ani ng Science teacher namin. Nagmamadali naman akong tumayo para ibigay kay Class President ang papel ko. Napagtanto ko namang walang pangalan iyon. Baka matawag pa akong petrang kabayo dahil walang name. Sinulat ko ang pangalan ko, naramdaman ko namang siniko ako ni Marko. Nagulo ang sulat ko. "Naku naman!" daing ko. "Hala, andyan ka pala," ani Marko at tumawa. Napabuntong hininga ako saka siya hinampas sa balikat niya, napasigaw naman siya sa sakit ng ginawa ko. In