Ardel Jake's P. O. V. Nang matapos ang araw, nag-uuwian na ang lahat dahil alas-sais na. Nagdidilim na at handa na akong umuwi. Hawak ko sa aking kamay ang susi ng motor ko. Mag-isa akong naglalakad patungo sa parking lot. Sumisipol pa ako pero napatigil ako nang makita ang nakatalikod na babaeng nakaupo sa motor ko. Agad na nag-init ang dugo ko, sobrang mahal ng mga pyesa at disenyo ng motor ko para upuan lang ng kung sino. "Get off my--" "Ardel." Nang lingunin ako nito ay nakita ko na naman si Darlyn, mapula ang labi nito at nakapusod pa ang buhok. Pansin ko ang uniporme niyang nakatanggal ang dalawang butones sa itaas dahilan para makita ng bahagya ang dibdib nito. "Umalis ka diyan, hangga't may pasensya pa ako," pagbabanta ko. "Gusto ko ubusin ang pasensya mo, Ardel." Niyukom k