Ardel Jake's P. O. V. Nagsindi ako ng sigarilyo at ginamit ko rin ang lighter ni Daddy para sindihan ang kandila sa puntod niya. Naupo ako sa sahig at nakatitig lang sa lapida nito at ang litrato niyang nakangiti. "Simula nung nawala ka, nagkagulo ang lahat. Things aren't the same anymore." Humithit ako sa sigarilyo ko. Tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko ito. Nakita ko ang pangalan ni Sofia sa text messages kaya binuksan ko ito. {I am breaking up with you. Wala ka man lang kahit sorry? You never apologize!} Pinatay ko ang cellphone ko at napairap, dagdag lang sa sakit ng ulo ang ginagawa ni Sofia ngayon. Nakakairita kapag maingay ang babae, ang daming satsat. I want them so I will have fun, not to be problematic. Muli na namang tumunog ang cellphone ko. Inis ako